Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Militar di pa rin nagbaba ng alerto sa kabila ng tapos na ang anibersaryo ng CPP-NPA-NDF; CAB, suportado!

(Kabacan, North Cotabato/ March 31, 2014) ---Iginiit ng militar na patuloy na naka-heightened alert ang tropa ng gobyerno tatlong araw matapos ang anibersaryo ng New People’s Army o NPA.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni 602nd Brigade Spokesperson Captain Antonio Bulao at tiniyak na naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang erya ng 602nd Brigade.


Ayon sa opisyal, sa kabila nito patuloy pa rin silang nakaalerto upang di mabigyan ng pagkakataon ang mga masasamang loob na makapag-hasik ng karahasan sa lugar.

Nagpasalamat din si Bulao sa suporta ng mamamayan sa katatapos na lagdaan ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB sa Malakanyang nitong nakaraang araw.


Umaasa ang opisyal na magtuloy-tuloy ito upang makamit na ang inaasam-asam na kapayapaan sa Mindanao. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento