Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

52-anyos na ginang, patay; 2 pa sugatan sa banggaan ng Mitsubishi at tricycle sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang 52-anyos na ginang habang  sugatan ang dalawa pa sa nangyaring banggan ng dalawang sasakyan sa harap ng Cotelco Main Office sa Manubuan, Matalam, Cotabato alas 3:05 kahapon ng hapon.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Mildred Cacananta, may asawa at residente ng nasabuing bayan.


Sugatan naman ang kasama nitong pasahero na si Dagko Alilaya residente ng Brgy. Magatos, Kabacan na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa Kidapawan Medical Specialist.

Habang naka-confine naman ang drayber ng motorsiklo sa Kabacan Medical Specialist.

Sangkot sa nasabing aksidente ang isang Mitsubishi Adventure na may license plate ITF 406 na minamaneho ni Abdullah Baruba na residente ng Marawi City.

At isang tricycle na Badjah na may license plate 6046 YL.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat tinatahak ng nasabing sasakyan ang kahabaan ng National Highway galing Kidapawan City at pagdating sa nasabing lugar ay aksidenteng nabangga nito ang tumawid na tricycle.

Dahil sa lakas ng impact, sugatan ang dalawang pasahero ng tricycle at ang drayber pero binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital Cacananta.

Sumuko naman ang drayber ng Mitsubishi sa Kabacan PNP kahapon at patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Matalam PNP ang nasabing insedente. Rhoderick BeƱez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento