Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga establisiemento na nagbebenta ng mga produktong sub standard, sinampulan ng DTI North Cotabato

(Kidapawan city/ April 4, 2014) ---Pinagmulta ng Department of Trade and Industry o DTI North Cotabato ang dalawang mga establishemento sa Lungsod ng Kidapawan na nagbebenta ng mga produktong pang hardware at mga construction supply na hindi standard.

Ayon kay Cornelio Quijano Staff ng DTI North Cotabato, ang dalawang establishemento  na City One Hardware at San-K Hardware ay pinagmulta ng aabot sa 17, 500 peso na kong saan ay nakuhaan ng  humigit kumulang ng 160 na bilang na mga substandard equal – length angle bar.


Dagdag pa ng opisyal na iilan sa mga basehan sa pagdetermina kong ang isang produkto ay isang substandard product ay ang kawalan ng PS mark at Import Commodity Clearance o ICC stickers.

Maliban sa ipanataw na multa sa dalawang establishemento, pinagtibay din ng DTI North Cotabato ang kasunduan sa pamamagitan ng pagpirma ng may ari ng naturang estableshemento na kong saka sakaling mahulihan  muli ng mga substandard na mga produktong pang konstruksyon ay agad na itong ipapasara.

Siniguro naman ni Quijano na patuloy silang mag iikot sa iba pang establishemento sa buong probensya ng Cotabato para sa isang surprise inspection sa mga kaparehong  nagbebenta ng mga hardware and construction supply nang masiguro ang kaledad ng mga binibiling materyales ng mga konsumidores.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento