Written by: Jimmy Santacruz
(Amas, Kidapawan city/ March 31, 2014) ---Nanawagan
si Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga Mindanaoans na bigyan ng
pagkakataon ang Comprehensive Agreement of the Bangsamoro na ipakita ang
mabuting layunin nito para sa mamamayan ng Mindanao.
Ito ang inihayag ng gobernadora sa katatapos
na pirmahan ng CAB sa Malacañang nitong Huwebes.
Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, hindi magiging
lubos ang tagumpay ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF kung
walang suporta mula sa mismong mamamayan ng Mindanao.
Upang matiyak ang tagumpay ng nilagdaang
Comprehensive Agreement of the Bangsamoro o CAB, kailangan itong suportahan ng
mamamayan ng Mindanao.
Kaugnay nito, umaasa ang opisyal na makikiisa
ang mamamayan at patuloy na susuporta sa mga inisyatiba o hakbang ng pamahalaan
at MILF para sa kapayapaan.
Sa pamamagitan nito, ayon pa sa gobernadora,
ay mapatutunayan ng pamahalaan at MILF na tunay na kapayapaan ang hangad ng
bawat panig sa paglagda nito ng CAB.
Ang
CAB na nilagdaan ng pamahalaan at MILF ay binubuo ng 5 mga dokumento.
Ito ay
ang Framework Agreement na nilagdaan noong 2012, at ang apat na mga annexes na
kinabibilangan ng power sharing, normalization, wealth sharing and revenue
generation at transitional arrangements and modalities.
Matapos ang lagdaan ng CAB,
inaasahang magbibigay daan ito upang maisa-pinal na ang Bangsamoro Basic Law o
BBL na siya namang ginagawa ng binuong Bangmoro Transition Commission o BTC.
Ang BBL ay nagtataglay ng mga
alituntunin at provisions ng usapang pangkapayaan na inaasahang magbibigay daan
sa pagtatapos ng rebelyon sa bahaging ito ng bansa. Rhoderick Beñez/ DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento