Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI muling na monitor ng RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ March 13, 2014) ---Apat na kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI ang na monitor ng Kabacan Rural Health Unit nitong nakaraang buwan.

Batay sa datos na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ang naturang sakit ay Syphilis na naitala sa Brgy. Kayaga, Lower Paatan at Magatos.


Sa North Cotabato ang bayan ng Pikit ay may pinakamataas na kaso ng syphilis at dalawa naman ang namonitor sa bayan ng Matalam.

Karamihan sa mga tinataan ng naturang sakit ay ang mga kababaihan edad 20-29.

Samantala, nakapagtala naman ng pitong kaso ng dengue ang RHU Kabacan nitong buwan ng Pebrero. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento