Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gov. Lala Mendoza, wala pang ginawang pag-indorso sa Geothermal Exploration Project ng Aboitiz Company sa Magpet, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2014)Inihayag ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na may programa ang National Government para tugunan ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao.

Ginawa ng gobernadora ang pahayag sa eksklusibong panayam sa kanya ng DXVL News kahapon kungsaan sinabi nitong wala itong kinalaman sa pag-apruba ng Department of Energy sa Geothermal Exploration Project ng Aboitiz sa Barangay Manobo, Magpet, North Cotabato.


Giit pa ni Gov. Mendoza na may otoridad ang National Government na magbibigay ng tatlong taon na contract of service sa kompanya ng Aboitiz para masubukan ang kanilang negosyo.

Magbibigay din ng pag-indorso ang provincial government kung matutugunan ng kompanya ang mga inilatag na kasunduan dito na isasalang sa Sangguniang Panlalawigan.

Dagdag pa ni Mendoza, bagama’t nahaharap ang probinsya sa suliranin ng kakulangan ng suplay ng kuryente, dapat din umanong isaalang-alang ang kapakanan ng mga residenteng maapektuhan.

Samantala, kung papasok ang bagong planta sa probinsiya, sisiguraduhin nitong ang pangangailangan ng North Cotabato sa kuryente ay magiging prayoridad.

Dapat din na mabigyan ng special price ang probinsiya dahil sa magiging source o host ito ng generation ng elektrisidad.


Maliban dito, sinabi ng gobernador na dapat ay pagtuunan din ng pansin ng aboitiz ang kanilang social responsibility sa komunidad, na dapat maprotektahan ang mga tao at ang kapaligiran at maging ang paraan ng pagbayad sa buwis. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento