(Kidapawan city/ March 6, 2014) ---Isinailalim
sa fogging operations ng pinagsanib na pwersa ng City Disaster Risk Reduction
and Management Office at City Health Office ang ilang lugar na sakop ng Talisay
at Alim Street sa Poblacion ng Kidapawan kamakalawa.
Sa bisa ng utos ni City Mayor Joseph
Evangelista, isinagawa ang operasyong nabanggit kontra paglaganap ng dengue
virus na dala ng kagat ng lamok.
Ikinabalaha ng alkalde ang naitalang
apatnapung kaso ng dengue sa lungsod mula Enero hanggang buwang kasalukuyan.
Isa ang naitalang fatality sa komplikasyong
dulot ng dengue, ayon na rin sa ulat ng City Health Office.
Umano ay sa bisinidad ng Talisay street
nanuluyan ang 25 taong gulang na empleyada ng isang department store sa lungsod
na namatay sa komplikasyong dulot ng dengue matapos itong makagat ng lamok na
carrier ng dengue virus.
Maaga pa lang ay ginalugad na ng mga kawani
ng CDRRMO at CHO ang mga nabanggit na lugar saka isinagawa ang operation gamit
ang mga fogging machines ng una.
Nagbigay abiso muna si Mayor Evangelista sa
mga purok leaders ng lugar bago gawin ang fogging operations.
Dahil dito ay patuloy naman ang panawagan sa
lahat na maging mapagmatyag sa pagkalat ng dengue virus. Payo ng mga otoridad
na panatilihing malinis ang mga komunidad at tahanan sa lahat ng oras upang
hindi pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento