(Carmen, North Cotabato/ March 5, 2014) ---Isinapubliko
kahapon umaga ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa kanyang State of the
Province Address ang iba’t-ibang proyektong naisakatuparan ng kanyang liderato
sa nakaraang taong 2013.
Ang naturang okasyon na ginanap sa harapan ng
Municipal Hall ng bayan ng Carmen, North Cotabato ay dinaluhan ng daan-daang
tao na galing sa liba’t-ibang sektor kabilang ang mga empleyado ng gobyerno at
mga Local leaders.
Sa naturang okasyon, ibinida ng gobernadora
ang iba’t-ibang proyekto na naisakatuparan ng kanyang liderato na nagpa-angat
sa estado ng pamumuhay ng mga Cotabateño.
Kabilang sa mga proyektong ibinida ang mga
Infrastructure Development Project gaya ng pagpapaayos at pagpapasemento ng mga
farm to market road kung saan meroong kabuuang 163 milyong halaga ng kalsada
ang naipagawa.
Kabilang din sa naturang mga proyekto ang
paglalagay ng mga water system, pagpapatayo ng mga multi-purpose covered court,
mga hanging bridges, school buildings, health center, day care center,
multi-purpose building, agri business centers, at mga electric facility.
Maliban dito, ibinida din ang proyektong pinondohan ng Payapa at Masaganang
Pamayanan o PAMANA kung saan 12 solar driers ang naipagawa.
Kabilang din sa mga natamong proyekto ng
liderato ni Mendoza ang mga proyektong napapaloob sa Socio-Cutural Development
gaya ng medical services at population management. At upang matugunanan ang
pangangailan ng mga kabataan, mas pinaigting pa ang suporta sa proyektong
Adolescents Health and Youth Development Program.
Sa proyektong napapaloob sa Agricultural and
Economic Development, binigyang pugay ng gobernadora ang pagsusulong ng organic
farming sa probinsiya at ang pag e-export nito ng 40 tonelada ng brown, red, at
black rice sa bansang Germany, Dubai, at Macau pati na rin ang 30 tonelada ng
asukal na inexport sa Netherlands, London, at Australia.
Bilang patunay na
pinagkakatiwalaan ng mga negosyante ang kakayahan ng probinsiya, iba’t-ibang
mamumuhunan ang naglagak ng kanilang negosyo sa lalawigan.
Para maprotektahan ang seguridad ng mga
Cotabateno, patuloy din ang pagpapigting at pagpapatupad ng mga programa sa
ilalim ng public safety.
Bukod sa mga proyektong nabanggit, ibinida
din ng gobernadora ang mga natatanging karangalang naigawad sa mga Cotabateno
tulad ng pagiging grand winner ng Asik-Asik Falls sa patimpalak ng PAGCOR
National Photography Contest in Nature at pagkilala kay Dr. Cayetano Pomares ng
USM bilang Outstanding Agricultural Scientist.
Ipinagmalaki din ng gobernadora
na nakapasa ang lalawigan sa 2nd round ng Seal of Good Housekeeping kung saan
tumaas ang kategorya nito mula sa bronze to silver na meroong kaukulang cash
prize. USM Devcom Intern Abdullah
Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento