(Mlang, North Cotabato/ March 12, 2014) ---Patuloy
ang panawagan ni Mlang Mayor Joselito Pinol sa mga magsisipagtapos maging ang
mga out of school youth na nais na maging scholar ng Commission on Higher
Education (CHED).
Maging ang mga college drop outs at mga
magsisipagtapos na mga anak ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ay
maaaring mag apply ng scholarship program.
Ayon kay Mayor Pinol, upang maging
kuwalipikadong scholars kailangang makumpleto ang mga kakailanganing
requirements na kinabibilangan nang school records, Income Tax Return (ITR),
certificate of indigency at certificate of good moral character.
Ang mapapalad na scholar na may average
grade na 95% ay tatanggap ng scholarship funds na nagkakahalaga nang P15, 000;
85% average grade ay tatanggap ng P7, 500 habang ang may average grade na 75%
ay may P6,500 na scholarship allocations.
Nilinaw ni Mayor Pinol na per semester ang
ponding tatanggapin ng kuwalipikadong scholars hanggang sa makapag tapos sila
sa kanilang kursong kinuha.
Pero ayon kay Pinol mas prayoridad nang
kanyang tanggapan ang mga anak ng 4P’s, sa nabanggit na scholarship funding’s.
May hanggang March 20 na lamang ang
pagtanggap ng application para sa nasabing scholarship. Williamore Magbanua
0 comments:
Mag-post ng isang Komento