(Kabacan, North Cotabato/March 6, 2014) ---“Basta
may katahimikan sa University of Southern Mindanao, tulong na ninyu yun sa
akin” ito ang naging pahayag ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza sa
harap ng USM constituents na dumalo sa kanyang State of the Province address o
SOPA na ginanap sa Carmen Municipal Hall, Carmen, North Cotabato.
Sinabi ni USM Spokesperson/ Director ng
University Public Relations and Information Office Dr. Rommel Tangonan na
suportado ni USM Pres. Dr. Francisco Gil “Iko” Garcia ang SOPA ng punong
ehekutibo ng probinsiya dahil na rin sa malaking kontribusyon ng provincial
government sa pagpapalago ng unibersidad.
Umani ng 41 palakpakan ang naging SOPA ni
Gov. Lala na umabot ng isang oras na paglalahad sa kalagayan ng probinsiya
kasama na rin ang mga naipatupad na proyekto at programa sa kanyang nakalipas
na pagserbisyo sa probinsiya.
Buo naman ang suporta ng lokal na opisyal ng
Provincial Government at sinabi ni Cotabato 3rd District Rep.
Ping-ping Tejada na lahat ng mga inilahad na mga figures ng opisyal sa kanyang
SOPA ay makatutuhanan.
Nagpahayag din ng kanyang pagsuporta maging
si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa liderato ng opisyal.Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento