Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mass Ceremonial Turn-over ng mga proyekto ng Department of Agriculture sa lalawigan, personal na dinaluhan ni Secretary Alcala

(Libungan, North Cotabato/ March 6, 2014) ---Personal na dinaluhan ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala ang mass ceremonial turn over ng mga proyekto ng Department of Agriculture sa lalawigan na ginanap kaninang umaga sa Libungan National High School sa bayan ng Libungan.

Kasama si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño- Mendoza at mga local officials buhat sa iba’t-ibang bayan sa probinsiya, personal na sinaksihan ng mga ito ang pagtaturn-over ng 13.70 kilometrong rehabilitasyon ng Kapayawi-Bao farm to market road na may kabuuang halagang humigit-kumulang 37 milyong piso na pinondohan sa ilalim ng Mindanao Rural Development Program o MRDP.


Ang naturang farm to market road na pakikinabangan ng mga residente ng bayan ng Libungan at Alamada ay kabilang sa pinakahuling proyekto ng MRDP sapagkat ito ay pormal ng magsasara para bigyang daan ang mas malaking proyektong ipapalit dito, ang Philippine Rural Development Program o PRDP na suportado ng Worldbank.

Kasama din sa naturang mass turn-over ang ibat-ibang proyekto sa lalawigan tulad ng pagpapaayos ng Pisan Communal Irrigation System dito sa bayan ng Kabacan na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang walong milyong piso. Ang naturang proyekto ay papakinabangan ng mga residente ng Barangay Pisan sa ilalim ng pamamahala ng Krislam Irrigators Association na inaasahang magsusupply ng tubig sa 100 ektarya ng palayan.

Kasabay din sa mga proyektong itinurn-over ang  rehabilitasyon ng mga farm to market roads sa  Upper and Lower Mingading at Katalicanan-Upper Mingading-Tomado  sa bayan ng Aleosan, Upper Bulanan-Sitio Bayabas sa bayan ng Midsayap, Poblacion-Cabangbangan Natipukan sa President Roxas, at Malire-Tiwanan sa bayan naman ng Antipas.

Ang nasabing mga proyekto ay bilang bahagi ng kabuuang 4.519 billion pesos na pondong inilaan ng MRDP sa ilalim ng pamunuan ng Department of Agriculture Regional Office sa buong Region 12 para sa pagpapagawa at pagpapaayos ng mga kalsada, tulay, irrigation, at water supply  sa buong Region 12.

Nagpahayag naman ang kalihim ng pasasalamat sa suportang ipinapakita ng mga taga Mindanao partikular na ang mga magsasaka at mangingisda sa mga proyekto ng kagawaran. Binigyaan-diin niya na ang Mindanao ay Land of Promise ngunit hindi siya papayag na puro na lang pangako ang mga proyektong ibibigay dito.[VOICE CLIP]


0 comments:

Mag-post ng isang Komento