(Kabacan, North Cotabato/March 12, 2014) ---Sa
kabila ng 100 megawatts na generation capacity ng Mt. Apo Geothermal Power
Plant, patuloy pa rin na nakakaranas ng power interruption sa kuryente ang
lalawigan ng North Cotabato.
Ito ang ibinunyag sa DXVL News kahapon ni Cotabato
Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza dahil nakakontrata na ito sa NAPOCOR at may
kanya-kanya na itong pagbentahan.
Nang pumasok ang Energy Development
Corporation o EDC, isang pribadong kompanya may nakalaan na itong kontrata na
di na maaring baguhin, ayon sa punong ehekutibo ng probinsiya.
Samantala, umaasa naman ang gobernadora na
sa lalong madaling panahon ay ma-rehabilitate at makumpuni na ang STEAG
200megawatts upang makabalik na ang serbisyo nito sa grid para maibsan ang
napakahabang power interruption sa bahaging ito ng Mindanao.
Sa naging pahayag ng Department of Energy
posibleng matatapos ang pagkukumpuni nito sa huling bahagi ng buwan ng Marso.
Sa ngayon, umaabot sa anim na oras ang
rotational brownout na ipinapatupad sa service area ng Cotelco kungsaan
apektado ang negosyo at ilan pang sektor sa napakahabang brownout. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento