(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2014) ---
Matagumpay na ginanap ang isang konsultasyon hinggil sa Bangsamoro Basic Law na
pinangunahan ng Balay Rehabilitation sa pakikipagtulungan ng University Student
Government sa loob ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao.
Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay
STAND USM Cahirman at Anakbayan Spokesperson
Reymon Reyes kahapon ng hapon, ang naturang konsultasyon ay dinaluhan ng
iba’t-ibang organisayon sa USM na kinabibilangan ng mga mag-aaral mula sa
iba’t-ibang sekta.
Ayon kay Reyes, layunin ng nasabing
konsultasyon na mamulat ang kabataang pinoy ukol sa nilalaman ng Bangsamoro
Framework Agreement na kasalukuyan isunusulong ng gobyerno ng Pilipinas at
grupo ng Moro Islamic Liberation Front.
Dagdag ni Reyes, kailangan umanong mahikayat
ang mga masang estudyante na makilahok sa peace-building initiative ng Balay
Rehabilitation.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento