(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2014) ---Nagpahayag ng pagsuporta si 3rd District Congressman Pingping Tejada sa planong pag-amyenda sa ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT of 2001 EPIRA Law na siyang sumasaklaw sa usapin ng kuryente sa buong bansa.
Sa eksklusibong panayam ng DXVL News sa mambabatas kahapon ng hapon, sinabi nito na kailangan amyendahan ang nasabing batas upang mabigyang ng kaukulang pansin ang proteksyon ng mga power consumers at masagot ang mga pangangailangan nito.
Aniya, wala umano siyang nakikitang parte ng nasabing batas na konkretong pumuprotekta sa mga power consumers na kung tutuusin, sila dapat ang ikonokonsidera.
Kaugnay nito, sinabi ng mambabatas na aktibo ang kanyang pamunuan sa pagtalakay sa isyu ng kakulangan ng supply ng kuryente partikular sa lalawigan ng Cotabato.
Nagpahayag din ito ng hindi pag-sang ayon sa pagpa privatized ng power generators sapagkat kapag binenta umano ang isang government power generators sa isang pribadong sektor, posible umano maipasa sa consumers ang kaukulang bayarin.
Isa umano sa posibleng solusyon sa kakulangan ng sapat na kuryente ay pagdadag ng mga power generators tulad ng hydro power para mas bumaba ang babayaran ng mga power consumers ngunit kailangan din umano itong busisishing maigi dahil kailangang ikonsidera ang presyo ng naturang proyekto at ang problema sa source ng tubig.
Sa kabilang banda, nagpahayag naman si Tejada ng pag-sang ayon sa mga nilalaman ng katatapos pa lamang na State of the Province Address o SOPA kahapon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.
Aniya, aminado siya sa mga proyektong naisakatuparan ng liderato ng gobernadora at natugunan umano nito ang pangangailangan ng lahat ng sektor sa probinsiya. Abdullah Matucan
DXVL Staff
...
Planong pag-amyenda sa EPIRA Law, suportado ni Congressman Pingping Tejada
Martes, Marso 11, 2014
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento