Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magarbong Pasiklaban Festival 2013 ng USM, Pormal ng nagsimula!

Photo by: Philip Andrew Garcia
(Kabacan, North Cotabato/ September 28, 2013) ---Pormal ng nagsimula kagabi ang Pasiklaban 2013 sa University of Southern Mindanao.

Ang nasabing aktibidad ay taunang isinasagawa sa Uniberdidad kungsaan pinagbibidahan ng iba’t-ibangmga organisasyon sa Pamantasan.

Ang magarbong pagbubukas na ito ay pasisinayaan ng isang pabulusong grand torch parade bilang panimula na kung saan ay magsisimula sa USM Quadrangle na dadaluhan ng mga kalahok na mula sa apat na konseho o councils, ang Council for Inter-Academic Organization, Council for Inter-Non Academic Organization, Council for Inter-Fraternities and Sororities at Council for Campus Ministries. Ang apat na konseho ay ang mga maglalaban sa humigit kumulang na tatlong pong contesting areas.

Seguridad sa paligid ng pinasabugang NGCP tower, hinigpitan

(Kabacan, North Cotabato/ September 27, 2013) ---Dinagdagan ngayon ng tropa ng militar ang paligid ng pinangyarihan ng pagsabog sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP naglagay na sila ngayon ng dagdag na force multipliers sa lugar kagaya ng dagdag na tropa ng 38th Infantry Battalion, Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) kasama na ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

May –ari ng ninakaw na motorsiklo sa Kabacan, nagpalabas ng pabuya

(Kabacan, North Cotabato/ September 27, 2013) ---Naglabas ngayon ng pabuya ang may-ari ng motorsiklo na ninakaw sa may Ricarte Street, Purok Bukang Liwayway, Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa.
                                                         
Ayon sa may ari na kinilalang si Retired Colonel Mac M. Casim, residente ng nabanggit na lugar.                                                               

Transmission line ng NGCP sa Kabacan, NCot; pinasabugan!

(Kabacan, North Cotabato/ September 27, 2013) ---Bumagsak ang isang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines na nasa bahagi ng Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato makaraang pasabugan dakong alas 7:40 kagabi.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pinagsamang puwersa ng militar buhat sa 7th Infantry Battalion, 38th Infantry Batallion, at Kabacan PNP sa pangunguna ni Police Chief Inspector Jordine Maribojo, nabatid na IED ang ginamit ng mga hindi pa matukoy na suspek sa pagpapasabog.

Banana Plantation, inatake ng BIFF sa Tulunan, NCot

(Tulunan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Inatake ng 200 mga pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang isang Banana Plantation sa Barangay Dungos, Tulunan, North Cotabato alas 7:00 kaninang umaga.

Ayon kay Tulunan PNP Chief of Police Senior Insp. Ronnie Cordero mga aramadong grupo na pinaniniwalaang BIFF ang umatake sa Delinanas Banana Plantation sa nabanggit na lugar.

Magbayaw, nilikida!

(Matalam, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Patay ang magbayaw makaraang pag-babarilin at pagtatagain sa Sitio Lambayao, Matalam, North Cotabato noong kamakalawa.

Kinilala ni PSI Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Ariel Bigtasin at Nanong Ansa nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

1 pinugutan ng ulo, 1 pinagbabaril ng BIFF

(Midsayap, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Isang sibilyan ang pinugutan ng ulo habang pinagbabaril naman ang isa pa ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF habang sila ay papatakas dakong alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Police Supt. Reynante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktimang pinugutan ng ulo na si Recarte Dionio, 31-anyos at si Erwin Diluan, 22-anyos na binaril sa ulo na pawang residente ng Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

Kabacan PNP, naka- heightened alert kasunod ng mga sightings ng mga armed group sa ilang barangay ng bayan

(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Kinumpirma ngayong hapon sa DXVL News ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na wala silang namataang armadong grupo na umaaligid sa ilang mga barangay sa bayan ng Kabacan.

Ginawa ng opisyal ang pahayag, kasunod ng mga bali-balitang may mga sightings umano sa brgy Kilagasan at iba pang lugar ng mga armadong grupo.

(Update) 9 na natitirang bihag ng BIFF, pinalaya na!

(Midsayap, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Tuluyang ng pinalaya ng mga rebeldeng grupo ang siyam na hawak na bihag nila pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael pinalaya ang siyam pang mga hostages ng mga BIFF na ginamit bilang human shield sa tulong ng negosasyon na pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at nina Board Member Kelly Antao, Deputy Governor for Muslim Affairs Edress Ansalibo, Board Member Loreto Cabaya at Mayor Romeo Araña.

USM may bagong 6 na chemists

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---May bagong anim na Chemists ang University of Southern Mindanao USM Main Campus matapos inilabas ng Professional Regulation Commission ang resulta ng katatapos na Chemist Licensure Examination noong Setyembre a-20.

Mula sa 571 na kumaha ng eksaminasyon, 320 dito ang nakapasa.

Bagong pasa sa Licensure Examination for Agriculture na estudyante ng USM, binawian ng buhay

(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Matapos ang ilang araw na pakipaglaban kay kamatayan ay tuluyan ng iginupo ng kanyang sakit ang 21-anyos na bagong pasa sa Licensure Examination for Agriculture makaraang binawian ito ng buhay habang ginagamot sa Davao Medical Center alas 10:00 ng umaga kahapon.

Namatay si Charlie Camillon Balonebro, tubong Tulunan, North Cotabato dahil sa kumplekadong sakit na iniinda nito, ayon kay Sunshine Labatorio dating kaklase ng biktima sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Mahigit sa 2,000 mga pamilya, nagsilikas matapos magkasagupa ang militar at BIFF sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Tinatayang abot sa 2 libung mga pamilya buhat sa apat na mga barangay ang nagsilikas na simula pa kahapon at kagabi dahil
sa nagpapatuloy na sagupaan ng pangkat ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at sundalo sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sa ulat ng Provincial Government, apat na mga guro ang napalaya kagabi makaraang mahostage ang 12 matapos na ma trap ang mga ito kasama na ang kanilang mga estudyante ng sumiklab ang bakbakan sa Malingao elementary School sa nasabing bayan.

3 patay 5 sugatan sa bakbakan sa Midsayap, North Cotabato; ilang mga guro estudyante at sibilyan hawak pa rin ng mga rebelde

(Midsayap, North Cotabato/ September 23, 2013) ---Dalawang kasapi ng Moro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nasa ilalim ng pamumuno ni Ustadz Ameril Umbra Kato ang iniulat na namatay habang marami ang sugatan sa sugapaan ng pangkat ng nasabing rebelde at tropa ng pamahalaan sa nagpapatuloy na bakbakan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sinabi ni 602nd Spokesperson Captain Antonio Bulao na ang nasabing sagupaan sa Barangay Polomuguen ay nagresulta din ng pagkamatay ng isa nilang sundalo.

(BREAKING NEWS) Guro at mga estudyante hostage sa pag-atake ng BIFF sa 3 brgy sa NCot

(Midsayap, North Cotabato/ September 23, 2013) ---Muling umatake na naman ang mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa tatlong mga barangay sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Batay sa report ala 1:20 ng madaling araw unang pinasok at hinarass ng pangkat ng mga BIFF ang Barangay Rangaban. 

Nagsimula naman ang bakbakan ng sundalo at grupo ng BIFF sa brgy. Palongoguen alas 7:45 ngayong umaga lamang.