(Midsayap, North Cotabato/ September 24,
2013) ---Tuluyang ng pinalaya ng mga rebeldeng grupo ang siyam na hawak na bihag
nila pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.
Ayon kay Executive Assistant to the Governor
Ralph Ryan Rafael pinalaya ang siyam pang mga hostages ng mga BIFF na ginamit
bilang human shield sa tulong ng negosasyon na pinangunahan ni Cotabato Gov.
Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at nina Board Member Kelly Antao, Deputy Governor
for Muslim Affairs Edress Ansalibo, Board Member Loreto Cabaya at Mayor Romeo
Araña.
Agad namang isinailalim sa stress debriefing
ang mga ito.
Matatandaan nab ago mag-alas 7:00 kagabi ay unang pinalaya ang apat na mga guro
kasama ang isang bata.
Kinilala ang mga pinalaya kagabi, ayon sa
report ni North Cotabato Provincial MEDIA Venes Bacarat na sina Honey Corpuz, Ruby Hirro,
39; Rose Escote, 49 at Edna Cortel, 56 kasama ang isang bata na Limang
taong gulang na kinilalang si Kesha Angela, anak ni Hirro.
Sa ngayon tiantayang masobra sa 2 libung mga
pamilya ang nagsilikas matapos na maipit sa nasabing bakbakan ng BIFF at ng mga
rebeldeng grupo.
Sinabi naman ni Gov. Mendoza ngayong umaga sa
pamamagitan ng Crisis Management Committee na walang suspensiyon ng klase
maliban na lamang sa mga barangay na direktang naapektuhan ng nasabing
sagupaan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento