Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(BREAKING NEWS) Guro at mga estudyante hostage sa pag-atake ng BIFF sa 3 brgy sa NCot

(Midsayap, North Cotabato/ September 23, 2013) ---Muling umatake na naman ang mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa tatlong mga barangay sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Batay sa report ala 1:20 ng madaling araw unang pinasok at hinarass ng pangkat ng mga BIFF ang Barangay Rangaban. 

Nagsimula naman ang bakbakan ng sundalo at grupo ng BIFF sa brgy. Palongoguen alas 7:45 ngayong umaga lamang. 

Habang ginagawa ang balitang ito, nagpapatuloy naman ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga pinaniniwalaang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa boundary ng Barangay Palongoguen at Malingao sa nasabing bayan. Sinabi ni 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso, nagsimula ang engkwentro nang atakehin ng pinaniniwalaang BIFF members ang isang CVO outpost sa Barangay Rabangal, Midsayap. 

Agad naglunsad ng military operation ang mga awtoridad upang maitaboy ang mga armado at ngayon ay nakasentro sa boundary ng Barangay Palongoguen at Malingao ang bakbakan. 

Una nang inamin ni BIFF spokesperson Abu Misri Mama na sila ang nasa likod ng pang-aatake. Nilinaw naman ni Mama na walang kaugnayan sa Zamboanga City standoff ang kanilang pag-atake. Kaugnay nito, dalawang sundalo ang kumpirmadong nasugatan sa engkwentro. 

Sa pinakahuling impormasyon ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, 15 ang hinostage umano ng BIFF dakong alas otso ng umaga kanina at pinakawalan ang 12 iba pa. 

Sa ngayon, patuloy na kinukumpirma ng mga awtoridad ang report na may tatlo pang hawak na hostages ang BIFF sa Barangay Malingao, Midsayap, North Cotabato. 

Daang daang mga residente na rin ang nagsilikas mula sa mga brgy Bual Norte , Malingaw at Palunoguen. Samantala, nagkagulo naman sa mga paaralan sa bayan ng Midsayap dahil nataranta ang mga guro at estudyante sa nangyaring panghohostage ng BIFF sa Malingao Elementary School. 

Pinauwi ang mga mag-aaral sa Midsayap Pilot Elementary School dahil posibling target rin itong salakayin ng mga rebelde. 

Sa kasalukuyan ay dumating na ang karagdagang pwersa ng militar at pulisya sa bayan ng Midsayap.(Rhoderick Beñez) 09494939462

0 comments:

Mag-post ng isang Komento