(Tulunan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Inatake ng 200 mga pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang isang Banana Plantation sa Barangay Dungos, Tulunan, North Cotabato alas 7:00 kaninang umaga.
Ayon kay Tulunan PNP Chief of Police Senior Insp. Ronnie Cordero mga aramadong grupo na pinaniniwalaang BIFF ang umatake sa Delinanas Banana Plantation sa nabanggit na lugar.
Aniya, nagkapalitan ng putok ang armadong grupo at mga gwardya ng banana plantation.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Tulunan PNP kasama ang militar at naitaboy ang mga armado.
Wala namang nasaktan sa pangyayari bagama't nagdulot ng takot sa mga empleyado ng plantasyon at mga residente ng Tulunan ang pag-atake.
Ang nasabing plantasyon ay makikita sa hangganan ng Tulunan, North Cotabato at General SK Pendatun sa lalawigan ng Maguindanao at sinasabing malapit sa Liguasan Marsh na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng MILF, BIFF at ilang kidnap-for-ransam groups na may operasyon sa Central Mindanao, ayon sa mga ulat. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
Banana Plantation, inatake ng BIFF sa Tulunan, NCot
Martes, Setyembre 24, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento