(Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2013)
---Kinumpirma ngayong hapon sa DXVL News ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng
Kabacan PNP na wala silang namataang armadong grupo na umaaligid sa ilang mga
barangay sa bayan ng Kabacan.
Ginawa ng opisyal ang pahayag, kasunod ng mga
bali-balitang may mga sightings umano sa brgy Kilagasan at iba pang lugar ng
mga armadong grupo.
Ayon kay Maribojo, nananatiling mapayapa ang
bayan ng Kabacan at walang barangay na pinasok umano ng armadong grupo, batay
na rin sa mga reports ng mga punong barangay sa lugar.
Sa kabila nito, naka-heightened alert ang Kabacan PNP kaagapay ang tropa ng
militar upang tiyakin ang seguridad ng bayan pati na ang mga Barangay sa lugar.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy silang
nakikipag-ugnayan sa mga Barangay Peacekeeping Action Teams upang mas mabilis
na makapag-responde sa panahon ng sakuna.
Payo pa ni Maribojo sa publiko,
manatiling kalmado ngunit maging mapagmasid sa paligid at wag mag atubiling
makipag-ugnayan sa mga awtoridad kung may kahina-hinalang tao o bagay na
mamataan.
Kaugnay nito, ipapakalat din nila
ang kanilang tropa sa University of Southern Mindanao, isa sa pinakamalaking
Unibersidad sa Rehiyon para sa pagtiyak ng seguridad ng mga estudyante sa
pagsisimula ng PASIKLABAN 2013, taunang aktibidad sa USM na pinagbibidahan ng
iba’t-ibang organisasyon sa Pamantasan sa Pangunguna ng University Student
Government. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento