Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

September 1, 2015 Holiday sa Probinsiya ng North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ August 28, 2015) --Ideneklara ngayon ng Malakanyang ang Setyembre a-1, 2015 na Special Non working Day sa Probinsiya ng North Cotabato.

Sa isang kalatas na inilabas sa Facebook Account ni Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael na ang proclamation 1116 ay pirmado ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., na nagbibigay ng opurtunidad sa lahat ng Cotabateños na makiisa sa ika-101 taong anibersaryo ng lalawigan.

Ang nasabing proklamasiyon ay nilagdaan nitong August 27, 2015 sa Malakanyang.

Security guard arestado sa pagdadala ng granada at di lisensiyadong armas

(Mlang, North Cotabato/ August 28, 2015) ---Sa presinto na nagpaliwanag ang isang security guard makaraang mahulihan ng di lisensyadong baril at granada sa isinagawang Highway check ng Mlang PNP sa Brgy. Bagontapay, Mlang.

Kinilala ni Senior Ins. Jenameel Toñacao, hepe ng Mlang PNP ang suspek na si Rolie Mayormita Dinampo, 33 anyos na taga Davao City.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre. 45 pistol na may magazine at bala at isang granada.

RHU Kabacan muling namahagi ng anti-Malaria Mosquito nets sa 5 barangay ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2015) ---Limang brgy. sa bayan ng Kabacan ang benepesyaryo ng kulambo na panlaban sa sakit na Malaria.

Sa panayam ng DXVL news kay Malaria Coordinator Naga Sarip, inihayag nitong ang mga baranggay ay kinabibilangan ng Brgy. Pisan, Nangaan, Simone at susunod na makakatanggap ang Brgy. Simbuhay at Tamped.

Granada at isa pang eksplosibo, narekober sa isang barangay sa Matalam

(Matalam, North Cotabato/ August 27, 2015) ---Inaalam na ngayon ng Matalam PNP kung sinu o anung grupo ang nag-iwan ng mga explosibo sa isang palm oil plantation na nasa Upper Valdevieso, Brgy. New Bugasong, Matalam, Cotabato ala 1:30 ngayong hapon lamang.

Sa report na nakarating kay PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP narekober ang isang M2O3 40MM Projectile at isang granada sa naturang lugar partikular sa plantasiyon ni Atty. Cerebo.

Speed Limit sa bayan ng Kabacan, pasado na sa SB

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2015) ---Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ‘speed limit’ sa National Highway sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Myra Dulay Bade kungsaan nito pang buwan ng Hulyo ito naisalang sa deliberasyon sa SB at sa huli ay naipasa na rin ito.

Pero ayon sa opisyal hindi pa naibalik sa tanggapan ng Sanggunian kung ito ay nalagdaan na ni Mayor Herlo Guzman Jr. upang ito ay maging ganap ng batas.

19-year old na dalaga mula sa Midsayap tinanghal na Mutya ng North Cotabato 2015

Kidapawan City (Aug 27) – Tinanghal na Mutya ng North Cotabato 2015 ang 19-taong gulang na si Jeanebeth B. Sedavia ng Midsayap, Cotabato sa katatapos lamang na Coronation Night ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2015 sa Kidapawan City gymnasium kagabi.

Sa umpisa pa lamang pageant night ay namukod tangi na si Sedavia sa 11 iba pang nagagandahang kandidata dahil sa angking ganda, talino at katangian ng isang Cotabateña.

Sa initial interview portion, tinanong si Sedavia kung ano ang kanyang magagawa upang palakasin ang kampanya sa pangangalaga ng kapaligiran, sinabi nitong malaking tulong ang tamang impormasyon at papel na gagampanan ng bawat isa upang mapalakas pa ang environmental protection.

Bangkay, natagpuan sa bayan ng Mlang

(Malng, North Cotabato/ August 26, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa Purok Masipag, Brgy. Buayan, Mlang North Cotabato alas 2:00 na madaling araw kanina.

Ayon sa report ng Mlang PNP, nasa 30-35 anyos umano ang nasabing lalaki, medium body weight, 5’6 ang taas nito, at nakasuot ng kulay asul na T-shirt at stripe na short.

Ipapatupad na Rate adjustment ng KWD, suportado ng mga concessionaires

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2015) ---Suportado ng mga konsumedures ng Kabacan Water District ang mga nakalatag na programa at proyekto ng KWD bagay namang sinuportahan nila ang isusulong na water rate adjustment sa susunod na taon.

Ito ang lumabas sa isinagawang public hearing ng KWD sa planong pagtaas ng singil sa bayarin ng tubig sa bayan ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL News kay KWD General Manager Ferdie Mar Balungay kungsaan ipinaliwanag nito na ang pagtataas ng singil sa tubig ay sa susunod pa na taon 2016, buwan ng Abril.

Aniya, mahigit sampung taon na na hindi nagkaroon ng water rate adjustment ang KWD mula taong 2005 hanggang sa kasalukuyan ay 157 pesos ang minimum rate ng KWD.

Sundalo patay sa pamamaril sa Datu Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/ August 26, 2015) ---Patay ang isang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa national highway ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao ala 1:20 kaninang hapon.

Sinasabing sakay ng kayang Rouser Motorcycle ang biktima mula Datu Montawal patungong Kabacan ng pagbabarilin ng riding in tandem sa bahagi ng Brgy Bulit, ayon kay PInsp. Razul Pandulo, ang hepe ng Datu Montawal PNP sa panayam ng DXVL News.

Multiple gunshot wound ang natamo ng biktimang nakilalang si Pfc. Hernando Hayo Daval, kasapi ng 7IB Philippine Army na naka-assign sa Alpha Coy, 7IB, PA sa pamumuno ni Lt. Perez.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa pagkakakilalan ng mga suspeks at motibo ng mga ito.

Noong nakaraang linggo patay din sa pamamaril ng riding in tandem ang isang elemento ng 7th IB. Tinangay pa ng mga suspeks ang xrm motorcycle ng sundalo.


Maalalang matagal na ring nagbabala ang pamunuan ng 6th ID sa kanilang mga kasundaluhan na iwasan ang bumayaheng sakay ng motorsiklo lalo na pag nag iisa. Christine Limos

Backpack, muling ipinagbabawal sa loob ng Provincial Capitol sa araw ng Cotabato sa Setyembre 1.

(Amas, Kidapawan City/ August 25, 2015) ---Nakalatag na ang seguridad ng Cotabato Police Provincial Office hinggil sa mga aktibidad ng ika-101 taong anibersaryo ng lalawigan at Kalivungan 2015.

Ayon kay PSI Ramil Hojilla ng CPPO, kanilang ipapakalat sa lahat ng mga lugar sa kapitolyo ang mga law enforcers at force multipliers.

Ipagbabawal din daw umano sa kasagsagan ng nasabing aktibidad ang pagdadala ng backpack sa loob ng kapitolyo.

Kasama rin sa mga ipagbabawal ang pagdala ng mga nakakamatay na patalim o deadly weapons.

Mga High School Students sa Poblacion ng Kabacan, isasalang sa Drug Symposium

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Isinusulong ng Brgy. Poblacion Council ang panukalang batas hinggil sa pagsasailalim sa Drug Symposium ng mga graduating high school students bago aprubahan ang kanilang clearance.

Ayon kay Brgy. Poblacion Kagawad Allan Dela Peña na siyang may akda sa nasabing ordinansa sa panayam ng DXVL News, nasa antas na umano sila ngayon ng konsultasyon sa lahat ng mga Punong Guro ng mga pampubliko at pribadong High Schools sa Poblacion ng Kabacan.

Anya, kahapon ay nagkaroon ng konsultasyon ang mga ito na dinaluhan ng mga punong guro ng Notre Dame of Kabacan, St. Luke’s Institute at University Laboratory Science ng USM.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na kailangang dumaan sa drug symposium ang mga graduating students bago ito magtapos o magiging pre-requisite ito.

Iminungkahi naman ng mga punong guro na sa halip na graduating High School Students lamang ang sasailalim ay lahat na mula sa 1st year hanggang sa mga graduating students ang sasailalim dito.

Dadaan pa umano sa masusing talakayan at konsultasyon ang nasabing panukala bago ito tuluyan maisabatas.

Giit pa ng opisyal na ang mga kabataan kasi ang ‘vulnerable’ sa droga kaya’t nararapat lamang na mabigyan ang mga ito ng kaalaman tungkol sa masamang dulot ng ipinagbabawal na gamot. Mark Anthony Pispis


Mga amateur boxers mula sa Cotabato at Gen San nagsalpukan sa Gov Lala Invitational Boxing Open sa Alamada

AMAS, Kidapawan City (Aug 26) – Abot sa 80 na mga amateur boxers o mga bagitong boksingero mula sa Lalawigan ng Cotabato at General Santos City ang nagpalitan ng malalakas na suntok sa katatapos lamang na Gov Lala Taliño-Mendoza Invitational Boxing Open sa Alamada Municipal gym, Alamada, Cot nitong Aug 20-22, 2015.

Ayon kay Cot Provincial Sports Coordinator Romeo Anito, maliban sa pagiging disiplinado ay kinakitaan din ng malaking potensiyal ang mga lumahok sa boxing tournament na may 39-40 bouts.

Ex-Brgy. Kagawad patay, 1 pa sugatan sa Road Mishap sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Dead on arrival sa bahay pagamutan ang isang dating Brgy. Kagawad habang sugatan naman ang isa pang angkas nito matapos na masangkot sa isang vehicular accident sa bahagi ng National Highway sa Brgy. Katidtuan, Kabacan Cotabato, mag-aalas 10:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero hepe ng Kabacan PNP ang namatay na si Rodel Botenes, 57 anyos, may asawa, isang magsasaka, dating Brgy. Kagawad ng Brgy. Dagupan, sa nasabing bayan, habang sugatan naman ang angkas nito na kinilalang si Jovi Solomon, 38 anyos, may asawa, isang housewife at pawang mga residente ng nasabing barangay.

CAFGU patay sa panibagong aksidente sa Highway ng Makilala

(Makilala, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Patay ang 46 anyos na kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU makaraang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang pampasaherong van sa Davao-Cotabato National Highway partikular sa Sitio Caimito, Brgy Kisante, Makilala North Cotabato pasado alas 10 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Nilo Lauda Sr, at residente ng Brgy Cabilao, Makilala.

(Update) Drayber ng Ten Wheeler Truck, nasa kustodiya na ng Kidapawan City PNP; mga sugatan sumampa na sa 32; 1 patay

(Kidapawan City/ August 25, 2015) ---Sumampa na ngayon sa 32 ang sugatan habang 1 ang naiulat na namatay sa nangyaring aksidente sa National Highway partikular sa bahagi ng Balindog sa Kidapawan city alas 7:30 kagabi.

Sa ulat na ipinarating ni PSI Ramil Hojilla, ang CPPO Branch Operation Officer sa DXVL News kinilala nito ang namatay na si Charlie Saldua, 18-anyos, drayber ng isang pampasaherong tricycle at residente ng Kidapawan City.

Sa 32 na mga sugatan, 13 dito ang nasa malubhang kalagayan na patuloy na ginagamot ngayon sa iba’t-ibang mga pagamutan sa lungsod.

Beautician na Miyembro ng 3rd Sex, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Patay ang isang miyembro ng 3rd Sex o bakla matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa panulukan ng Lapu-lapu St. at Tandang Sora St. Brgy. Poblacion Kabacan, Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Ruel Yaon alyas "Toto", 32 anyos, isang dating beautician, at residente ng Matalam St. Brgy. Poblacion sa Kidapawan City.

Ten-Wheeler Truck, inararo ang limang mga sasakyan sa Kidapawan City; 1 patay, marami sugatan

(Kabacan, North Cotabato/ August 24, 2015) ----Isa ang naiulat na namatay habang marami ang sugatan sa nangyaring aksidente sa National Highway ng Balindog sa Kidapawan city alas 7:30 ngayong gabi lamang.

Sa ulat na ipinarating ni PSI Ramil Hojilla, ang CPPO Branch Operation Officer sa DXVL News kinilala nito ang namatay na si Charlie Saldua.

Habang inaalam pa ang bilang ng mga sugatan.

Mabilis na isinugod ang mga sugatan sa iba’t-ibang mga pagamutan sa Kidapawan city.
Napag-alaman na habang binabaybay ng isang Ten Wheeler Truck na minamaneho ni Jomel Wamar, residente ng brgy. Silik, Pikit, Cotabato ang kabahaan ng National Highway ng mawalan ng preno dahilan para mabangga nito ang 2 tricycles, 1 Navarra Pick-up, isang pampasaherong multicab at isang Mitsubishi Lancer Sedan.

Mga Karate-do mula sa Cotabato nagpakitang gilas sa 2nd Gov Lala Karatedo Open Tournament

AMAS, Kidapawan City (Aug 24) – Ibayong husay ang ipinamalas ng mga Karate-do mula sa Cotabato Province sa katatapos lamang na 2nd Gov Lala Karatedo Tournament sa Antipas Municipal Gymnasium noong Aug 15-16, 2015.

Nasungkit ng Antipas Karate-dos and ikalawang puwesto matapos makakuha ng 46 medals kung saan naging kampeon naman ang Surigao Karate-dos na nakakuha ng 31medals.

Talent Night ng Search for the Mutya ng North Cot 2015 sa bayan ng Kabacan dinagsa

AMAS, Kidapawan City (Aug 22) – Dinagsa ng napakaraming tao ang Talent Night ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2015 dito sa bayan ng Kabacan sa Municipal gymnasium nitong Biyernes kung saan tinatayang mahigit sa 2,000 ang nanood.

Kabilang sa mga dumagsa ay mga kapamilya, kaibigan at supporters ng 12 kandidata kung saan napuno rin ng palakpakan at hiyawan ang gym sa bawat talent presentation ng mga kandidata para sa Mutya ng North Cot 2015.

Mag-ama, tinambangan sa Arakan, North Cotabato, anak patay

(Arakan, North Cotabato/ August 24, 2015) ---Pinagbabaril ng di nakilalang suspek ang mag-ama habang sakay ng Kawasaki Fury na motorsiklo alas 5:45 kamakalawa ng hapon sa Arakan, Cotabato.

Kinilala ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng Arakan PNP ang biktima na sina Roger Fordan Sr. at anak nitong si Roger Fordan Jr. kapwa residente ng Makalangot, Arakan, Cotabato.

Ayon sa report ng Cotabato Police Provincial Office, dead on the spot ang anak na si Roger Forman Jr. habang sugatan naman ang ama na si Roger Forman Sr.

Ayon sa report pauwi na sana sa brgy. Pobalcion, Arakan ang mag-ama sakay sa kanilang Kawasaki Fury motorcycle pero pagdating nito sa bahagi ng brgy. Makalangot ay dito na sila tinambangan ng mga di pa kilalang armadong kalalakihan.

Dispatcher ng Van na pinatay sa Kidapawan city, nakuhanan ng illegal na droga

(North Cotabato/ August 24, 2015) ---Inaalam pa ngayon ng pulisya kung sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang isang dispatcher ng van na pinagbabaril patay sa overland terminal Kidapawan City pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Sa ulat na nakarating kay Supt. Franklin Anito, hepe ng Kidapawan City PNP kinilala ang biktima na si Junaire Panyaman Amuage, 56 anyos , dispatcher ng SUV Bound for Davao City na taga Talisay Street ng lungsod.

8 heavy equipment sinunog ng mga NPA rebels sa magkahiwalay na lugar sa Davao del Sur

(North Cotabato/ August 24, 2015) ---Walong mga heavy equipment ang sinunog ng mga pinaghinalaang mga kasapi ng New People's Army (NPA) sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Davao del Sur mga alas 7:00 kagabi.

Batay sa ulat, dalawa sa mga heavy equipment ang sinunog sa bahagi ng Coronon, Sta. Cruz sa nasabing probinsiya na kinabibilangan ng isang backhoe at isang grader.

Sa kapareho ding bayan sa bahagi ng Tagabuli isang crane na may jack hammer at isang dumptruck ang sinunog rin ng mga rebelde.