(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2015)
---Limang brgy. sa bayan ng Kabacan ang benepesyaryo ng kulambo na panlaban sa
sakit na Malaria.
Sa panayam ng DXVL news kay Malaria
Coordinator Naga Sarip, inihayag nitong ang mga baranggay ay kinabibilangan ng
Brgy. Pisan, Nangaan, Simone at susunod na makakatanggap ang Brgy. Simbuhay at
Tamped.
Ang mga naturang brgy. umano ay prone sa
sakit na malaria bagamat sa kasalukuyan ay wala pa namang naitatalang kaso ng
malaria sa mga brgy.
Dagdag pa ng kawani na epektibo ang LLINS
mosquito nets sa loob ng 5 taon.
Pwede umano itong labhan ngunit di pwedeng
ibilad sa araw dahil may gamot na pangontra sa Malaria.
Ipinaliwanag din ni Sarip na walang kaso ng
Malaria sa Brgy. Poblacion sa halip ay dengue ang maaaring maging sakit.
Maaari din umanong maka –avail ang iba na
hindi malaria prone brgy ngunit mas priority umano nila sa ngayon na mabigyan ang mga baranggay na
prone sa naturang sakit.
Ipinaliwanag din nito ang kaibahan ng dengue
at malaria ngunit pareho na lamok ang carrier ng mga sakit na ito. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento