(Mlang, North Cotabato/ August 28, 2015)
---Sa presinto na nagpaliwanag ang isang security guard makaraang mahulihan ng
di lisensyadong baril at granada sa isinagawang Highway check ng Mlang PNP sa
Brgy. Bagontapay, Mlang.
Kinilala ni Senior Ins. Jenameel Toñacao,
hepe ng Mlang PNP ang suspek na si Rolie Mayormita Dinampo, 33 anyos na taga
Davao City.
Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre. 45
pistol na may magazine at bala at isang granada.
Hindi na nakapalag pa si Dinampo ng posasan
ng mga otoridad dahil wala naman itong maipakitang dokumento na agad namang
binitbit sa Mlang Police Station.
Sinabi ni Toñacao, isasailalim pa nila sa
interogation ang suspek para matukoy kung ano ang motibo nito sa pagdadala ng
nasabing mga armas at kung sino ang totoong nagmamay-ari nito.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Mlang PNP
lock up cell at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento