(Kabacan, North Cotabato/ August 25,
2015) ---Isinusulong ng Brgy. Poblacion Council ang panukalang batas hinggil sa
pagsasailalim sa Drug Symposium ng mga graduating high school students bago
aprubahan ang kanilang clearance.
Ayon kay Brgy. Poblacion Kagawad
Allan Dela Peña na siyang may akda sa nasabing ordinansa sa panayam ng DXVL
News, nasa antas na umano sila ngayon ng konsultasyon sa lahat ng mga Punong
Guro ng mga pampubliko at pribadong High Schools sa Poblacion ng Kabacan.
Anya, kahapon ay nagkaroon ng
konsultasyon ang mga ito na dinaluhan ng mga punong guro ng Notre Dame of
Kabacan, St. Luke’s Institute at University Laboratory Science ng USM.
Nakasaad sa nasabing
ordinansa na kailangang dumaan sa drug symposium ang mga graduating students
bago ito magtapos o magiging pre-requisite ito.
Iminungkahi naman ng mga punong guro
na sa halip na graduating High School Students lamang ang sasailalim ay lahat
na mula sa 1st year hanggang sa mga graduating students ang
sasailalim dito.
Dadaan pa umano sa
masusing talakayan at konsultasyon ang nasabing panukala bago ito tuluyan
maisabatas.
Giit pa ng opisyal
na ang mga kabataan kasi ang ‘vulnerable’ sa droga kaya’t nararapat lamang na
mabigyan ang mga ito ng kaalaman tungkol sa masamang dulot ng ipinagbabawal na
gamot. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento