Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-Brgy. Kagawad patay, 1 pa sugatan sa Road Mishap sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2015) ---Dead on arrival sa bahay pagamutan ang isang dating Brgy. Kagawad habang sugatan naman ang isa pang angkas nito matapos na masangkot sa isang vehicular accident sa bahagi ng National Highway sa Brgy. Katidtuan, Kabacan Cotabato, mag-aalas 10:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero hepe ng Kabacan PNP ang namatay na si Rodel Botenes, 57 anyos, may asawa, isang magsasaka, dating Brgy. Kagawad ng Brgy. Dagupan, sa nasabing bayan, habang sugatan naman ang angkas nito na kinilalang si Jovi Solomon, 38 anyos, may asawa, isang housewife at pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na tinatahak ng isang KM450 na sasakyan, may plakang SJE 124, na nakarehistro sa ilalim ng 7IB, Philippine Army ang direksiyon papuntang Davao mula Cotabato City, at pagsapit na nasabing lugar ay nagkaroon ng “steering wheel malfunction” ang sasakyan kung saan ay nabonggo nito ang kasalobong na isang single na motorstar na motorsiklo, kulay asul at may plakang MA75178 kung saan nakasakay ang mga biktima.

Patuloy pa ngayong inaalam ang halaga ng danyos sa nasabing mga sasakyan.


Sa ngayon ay nasa kostudiya ng Kabacan MPS ang mga sasakyan para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon at pati na rin ang driver ng sasakyan ng Philippine Army. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento