Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Backpack, muling ipinagbabawal sa loob ng Provincial Capitol sa araw ng Cotabato sa Setyembre 1.

(Amas, Kidapawan City/ August 25, 2015) ---Nakalatag na ang seguridad ng Cotabato Police Provincial Office hinggil sa mga aktibidad ng ika-101 taong anibersaryo ng lalawigan at Kalivungan 2015.

Ayon kay PSI Ramil Hojilla ng CPPO, kanilang ipapakalat sa lahat ng mga lugar sa kapitolyo ang mga law enforcers at force multipliers.

Ipagbabawal din daw umano sa kasagsagan ng nasabing aktibidad ang pagdadala ng backpack sa loob ng kapitolyo.

Kasama rin sa mga ipagbabawal ang pagdala ng mga nakakamatay na patalim o deadly weapons.


Nakahanda na rin umano ang mga security personnels na siyang magbabantay sa mga VIP's.


Inaasahan naman ng opisyal ang pagdagsa ng mga dadalo at makikisaya sa nasabing aktibidad. Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento