Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Karate-do mula sa Cotabato nagpakitang gilas sa 2nd Gov Lala Karatedo Open Tournament

AMAS, Kidapawan City (Aug 24) – Ibayong husay ang ipinamalas ng mga Karate-do mula sa Cotabato Province sa katatapos lamang na 2nd Gov Lala Karatedo Tournament sa Antipas Municipal Gymnasium noong Aug 15-16, 2015.

Nasungkit ng Antipas Karate-dos and ikalawang puwesto matapos makakuha ng 46 medals kung saan naging kampeon naman ang Surigao Karate-dos na nakakuha ng 31medals.

Ikatlong puwesto ang Notre Dame of Kidapawan College (NDKC) ng Kidapawan City na may 13 medals, ika-apat na puwesto ang Tagum City Karate-dos na may 15 medals, ika-limang puwesto ang Holy Cross of Sasa Davao na may 14 medals.

Nasa ika-anim, pito at walong puwesto naman ang Don Carlos Bukidnon na may 19 medals, Central Mindanao Colleges (CMC) Kidapawan City na may 2 medals at Iligan na may 1 gold. 

Layon ng tournament na palakasin pa ang sports sa hanay ng kabataan at ilayo sila sa illegal drugs at palakasin pa ang sportsmanship at mabuting ugnayan ng mga karate-dos sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao.

Nagpasalamat naman si Antipas Municipal Mayor Egidio Cadungon sa tiwala ng Provincial Government of Cot na maisagawang muli sa bayan ang naturang kompetisyon.

Matatandaang noong 2014 ay sa Antipas rin ginanap ang nabanggit na karate-do tournament na sinuportahan ng National Karatedo Technical Council (NKTC) at ng Karate-do Federation in Mindanao (KFM). (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento