Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ten-Wheeler Truck, inararo ang limang mga sasakyan sa Kidapawan City; 1 patay, marami sugatan

(Kabacan, North Cotabato/ August 24, 2015) ----Isa ang naiulat na namatay habang marami ang sugatan sa nangyaring aksidente sa National Highway ng Balindog sa Kidapawan city alas 7:30 ngayong gabi lamang.

Sa ulat na ipinarating ni PSI Ramil Hojilla, ang CPPO Branch Operation Officer sa DXVL News kinilala nito ang namatay na si Charlie Saldua.

Habang inaalam pa ang bilang ng mga sugatan.

Mabilis na isinugod ang mga sugatan sa iba’t-ibang mga pagamutan sa Kidapawan city.
Napag-alaman na habang binabaybay ng isang Ten Wheeler Truck na minamaneho ni Jomel Wamar, residente ng brgy. Silik, Pikit, Cotabato ang kabahaan ng National Highway ng mawalan ng preno dahilan para mabangga nito ang 2 tricycles, 1 Navarra Pick-up, isang pampasaherong multicab at isang Mitsubishi Lancer Sedan.

Ang insidente ay ikinamatay ng isang Charlie Saldua na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan habang inaalam din ang bilang ng mga sugatan.

Ang drayber ay nahuli ng mga rumesponding team na nasa ilalim ng puno ng niyog.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento