(North Cotabato/ August 24, 2015) ---Inaalam
pa ngayon ng pulisya kung sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang isang
dispatcher ng van na pinagbabaril patay sa overland terminal Kidapawan City
pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon.
Sa ulat na nakarating kay Supt. Franklin
Anito, hepe ng Kidapawan City PNP kinilala ang biktima na si Junaire Panyaman
Amuage, 56 anyos , dispatcher ng SUV Bound for Davao City na taga Talisay
Street ng lungsod.
Apat na tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistol
ang tinamo ni Amuage sa kanyang batok na nagresulta ng kanyang agarang
kamatayan base na rin sa narekober sa crime scene.
Ayon kay Anito sakay ang biktima sa kanyang
motorsiklo papunta na sana sa Overland Terminal pero pagdating nito malapit sa
bahay ng isang Mildred Acino ay dito na siya pinagbabaril ng mga nakaabang sa
kanyang mga di pa kilalang suspek.
Agad namang tumakas ang suspek sa di
malamang direksiyon matapos maisakatuparan ang masamang balakin.
Nabatid na narekober rin sa biktima ang apat
na pakete ng pinaniniwalaang shabu na siyang tinututukan nila ngayon ng PNP na
posibleng dahilan sa pamamaril.
Hindi rin isinasantabi sa imbestigasyon ng
PNP ang onsehan sa droga.
Sa ngayon tinutugis na ng mga otoridad ang
responsable sa krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento