Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED na inilagay sa bus, nasilat!

(Isulan, Sultan Kudarat/ April 10, 2015) ---Napigilan ng mga otoridad na sumabog ang isang improvised explosive device (IED) na natagpuan sa loob ng isang unit ng Yellow Bus Line Inc. na may body # 9208 pasado alas 10:00 kahapon ng umaga

Napag-alaman mula kay Police Supt. Junie Buenacosa, hepe ng Tacurong City Police Station, na may impormasyon itong nakuha na may pasasabuging bomba sa kanyang aor.

Grass fire muling naulit sa ikatlong pagkakataon sa isang farm lot sa Kabacan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2015) ---Muling nagpaalala ngayon ang Bureau of Fire Protection Kabacan sa publiko na huwag gawing paraan ng paglilinis ng lote ang pagsusunog dahil nakaka alarma ito.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni FSI Ibrahim Guiamalon matapos na nangyari grassfire kahapon sa isang bakanteng lote na farm lot sa Bliss Katidtuan, Kabacan, Cotabato

2 Internet contractor sa North Cotabato, patay matapos mahulog sa tower

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dalawang private internet contractors makaraang magkahiwalay na nahulog sa inakyat na antenna.

Kahapon dead on arrival sa pagamutan si Rodel Man-on, 36-anyos matapos na mahulog sa ini-install nitong antenna sa Makilala, North Cotabato.

Napag-alaman na nasa 70ft ang taas na inakyat ng biktima.

2,491 na mga estudyante magsisipagtapos sa USM Main Campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2015) ---Kasalukuyang ginaganap ang Baccalaureate Program at Cluster Graduation sa University of Southern Mindanao main campus.

Abot sa 2491 ang bilang ng mga estudyante na magsisipagtapos ngayong 69th Commencement Exercises kabilang na ang magsisipagtapos ng Masteral degree at Doctoral degree.

Ama, kinatay ang anak!

(Mlang, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Sinaksak hanggang sa pamatay ng isang ama ang mismong sariling anak nito sa Barangay Inas, Mlang, sa lalawigan ng North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PSI Jonameel Toniacao ang suspek na si Lito Todelio na ngayon ay nakapiit na sa Mlang PNP lock up cell.

Diarrhea Outbreak sa bayan ng Alamada, pinasinungalingan ng LGU

By: Mark Anthony Pispis

(Alamada, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Pinasinungalingan  ng Alamada LGU ang report na nagkaroon umano ng Diarrhea Outbreak sa bayan.

Ito ayon kay Alamada Municipal Administrator Ruben Cadava sa panayam ng DXVL News.

Pagpapasabog sa Compound ng NIA sa bayan ng Midsayap, pananakot umano ayon sa Midsayap PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Midsayap, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Patuloy pa ngayong inimbestigasyon ng Midsayap PNP ang nangyaring pagsabog ng isang granada sa mismong compound ng National Irrigation Administration sa Brgy. Villarica sa Bayan ng Midsayap alas 5:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay PSupt. Reynante Delos Santos hepe ng Midsayap PNP sa panayam ng DXVL News, kinumpirma nito na granada ang sumabog at meroon pang  narekober na Improvised Explosive Device sa loob pa rin ng compound.

215 na poste na may illegal connection ng street lights sa Poblacion, Kabacan aakuin ng LGU ang bayad

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Babayaran na ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang abot sa 215 mga poste na sinasabing may illegal na connection sa cotelco.

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa ipinatawag nitong special session sa Sangguniang kahapon.

Summer Kids Peace Camp sa bayan ng Kabacan, pinaghahandaan na!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Pinaghahandaan na ngayon ng Kabacan LGU katuwang ang North Cotabato Provincial Government ang gagawing Summer Kids Peace Camp na gaganapin sa Abril a-27 hanggang a-29 ngayong taon.

Ayon kay Kabacan administrative officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, ang nasabing aktibidad ay lalahukan ng nasa humigit kumulang 1,800 na mga incoming grade 6 pupils sa buong bayan na isasagawa naman sa Kabacan Pilot Elementary School.

Natitirang slots para sa SPES sa bayan ng Kabacan, napunan na, approval ni Mayor Guzman, hinihintay na lang

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Hinihintay na lamang ang approval ni Mayor Herlo Guzman Jr. para sa nalalabing slots upang maibigay ang natitirang slots sa Special Program for Employment of Students o SPES sa bayan ng Kabacan ngayong taon.

Ayon kay Designate Public Employment Service Office George Graza sa panayam ng DXVL News 60 na slots umano ang nakatakda para sa mga estudyante ng Kolehiyo at High School ngunit 37 slots na lamang ang natitira.

Kabacan, isinailalim na sa state of calamity dahil sa tindi ng dry spell

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Isinailalim na kahapon sa state of Calamity ang bayan ng Kabacan dahil sa tindi ng pinsala dala ng drought season na nararanasan nito pang mga nakaraang buwan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa special na session na isinagawa ng SB kahapon ng umaga.

8 kaso ng dengue naitala ng RHU Kabacan nitong nakaraang buwan: Libreng Operation Tuli ng Kabacan PNP naging matagumpay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Walong kaso ng dengue ang naitala ng Rural Health Unit ng Kabacan nitong buwan ng Marso.

Mas mataas ito kung ikumpara noong buwan ng Pebrero na nakapagtala lamang sila ng apat na kaso ng nasabing sakit.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ng RHU Kabacan.

Paggunita ng 73rd araw ng Kagitingan sa Bayan ng Kabacan, pinangunahan ng mga kasapi ng Veterans

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Pinangunahan ng mga beterano mula sa bayan ng Kabacan ang paggunita ngayong araw ng 73rd araw ng Kagitingan sa Municipal Plaza alas 6:00 kaninang kaninang umaga.

Ang programa ay pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan nagsagawa ang mga ito ang wreath laying.


Nakasentro ang aktibidad sa temang “Ipunla ang Kagitingan sa Kabataan, Ihanda ang Beterano ng Kinabukasan.

Brgy. Poblacion, Kabacan; muling nagpaliwanag sa pagkakaputol ng serbisyo ng mga Street Lights

(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Muling nagpaliwanag kahapon si Barangay Poblacion Kapitan Dominador “Mike” Remulta sa pagkakatanggal ng mga street lights sa ilang mga kalye ng Poblacion, Kabacan.

Ito matapos ang samu’t saring reklamo ng ilang mga residente ng Poblacion na madilim na sa mga kalye tuwing gabi matapos na tinanggal ng Cotelco ang mga street lights.

Operations Manager, itinumba!

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ April 8, 2015) ---Dead on the spot ang isang Operations Manager matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang salarin sa Brgy. Balindog sa Lungsod ng Kidapawan alas 12:30 kahapon ng tanghali.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na isang Clint Utlang, 30 anyos, Operations Manager ng S&F Marketing Kidapawan City, at resident eng nasabing lungsod.

Commissioning ng Therma South Inc. ng Aboitiz Power sa Mindanao Grid, naapektuhan ng total blackout sa Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Naantala ang isasagawa sanang commissioning at testing ng Therma South Inc. matapos na maganap ang malawakang brownout sa Mindanao nitong linggo ng madaling araw.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Aboitiz Power Corp. Corporate Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo.

1 kritikal sa muling pagkasagupa ng dalawang armadong grupo sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Sugatan ang isang magsasaka makaraang tamaan ng bala sa muling pagsiklab ng engkwentro sa hanggan ng Tulunan, North Cotabato at Colombio, Sultan Kudarat kamakalawa.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP kinilala nito ang biktima sa panaglang Unyok Tadyaki na tinamaan sa likod na isinugod sa Davao Medical Center.

Magsasaka at isa pang lalaki, kalaboso ng makuhanan ng illegal na droga

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Kalaboso ngayon at naghihimas ng malamig na bakal ang isang lalaki matapos itong mahulihang nagdadala ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PSI Ronie Cordero ng hepe ng Kabacan PNP na isang Tony Tejada, 42 anyos, may asawa, magsasaka at resident eng Purok Masagana sa nasabing barangay.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Totoy, utas ng malunod sa ilog

(North Cotabato/ April 8, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang tatlong taong gulang na batang lalake ng malunod ito sa ilog malapit sa Federville Subdivision Rosary heights 11, Cotabato City dakong alas-11 ng umaga kamakawala.

Sinabi ni RH 11 Brgy. Chairperson Mustapha Esmael, base sa ina ng biktima na si hajim Abdulbasit nakita itong naglalaro sa isang sikad-sikad pasado alas-8 ng umaga.

NIA Office sa Midsayap, Pinasabugan!

(Midsayap, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang tanggapan ng National Irrigation Administration Regional Office sa Villarica, Midsayap, North Cotabato alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Sa report na ipinadala ni Supt. Reinante delos Santos ng Midsayap PNP wala namang may naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Test fire ng Biogas Facility sa USM PCC sa bayan ng Kabacan, isinagawa

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Naging matagumpay ang isinagawang test fire sa Biogas Facility sa University of Southern Mindanao Philippine Carabao Center USM-PCC kahapon.

Ayon kay USM PCC Director Benjamin Basilio sa panayam ng DXVL News, malaking tulong umano ang 10 Cubic meter na biogas digester na kung saan ay makakatulong ito upang ma-convert sa methane gas ang mga element na mula sa dumi ng kalabaw na kung saan ay magagamit din nila sa pag-proseso ng kanilang mga produkto galing sa gatas ng kalabaw.

NGCP nakatakdang magbibigay ng Sagot sa nangyaring Block – out sa Buong Mindanao ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Nakatakdang magbibigay na opisyal ng pahayag ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ngayong araw hinggil sa kanilang paliwanag sa nangyaring total block-out noong nakaraang linggo ng madaling araw.

Ayon kay COTELCO Spokesperson Vincent Baguio sa panayam ng DXVL News, hindi umano sila makakapagbigay ng sagot sa isyu dahil tanging ang NGCP lamang ang makakapagbigay ng opisyal na pahayag.

CPPO, patuloy na naka full alert status

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Naka-Full Alert Status pa rin ngayon ang Cotabato Police Provincial Office at hindi pa naibaba ang nasabing alerto.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng CPPO ito dahil sa papalapit na Summer Kids Peace Camp matapos ang paggunita ng Semana Santa.

Pagdiriwang ng Semana Santa sa lalawigan ng North Cotabato, naging mapayapa – CPPO

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng semana santa sa buong lalawigan ng North Cotabato.

Ito ayon kay CPPO Spokesperson PCI Bernard Tayong sa panayam ng DXVL News.

Ex-Cafgu at Magsasaka, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Patong patong na kaso ang kakaharapin ng dalawang kalalakihan matapos itong mahuli sa isinagawang checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Traffic Management Unit, Barangay Peace Action Team at Kabacan PNP sa Brgy. Osias, Kabacan Cotabato alas 8:15 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina James Villanueva, 45 anyos, may asawa, dating miyembro ng CAFGU at isang Rolly Dalisay, 42 anyos, may asawa, isang magsasaka na pawang mga residente ng Brgy. New Antique sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

Anak itinumba ang lasing at sabog na ama sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Patuloy na pinaghahanap sa batas ngayon ang isang 26-anyos na lalaki matapos niyang mapatay ang kanyang ama sa Takepan, Pikit, North Cotabato.

Sa ulat ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office sa panayam ng DXVL News kinilala ang suspek na si Richard Mancera matapos umanong barilin ang kaniyang ama na umano'y lasing at sabog sa ilegal na droga.

2 dedo sa pananambang

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Napatay ang dalawang pasahero ng van matapos tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Limbo sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga. 

Kinilala ni P/Senior Insp. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat PNP ang mga biktima na sina Melo Florentino Zail, 57, ng Tacurong City; at Jane Erye Vicelles, 30, nakatira sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Lasing na lalaki, utas sa Road Accident

(Midsayap, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Patay ang isang lalaki matapos masangkot sa isang vehicular accident sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Alvin Harom Aborencia, 25, na taga Poblacion dos ng naturang bayan.

Kapintero, itinumba!

By: Mark Anthony Pispis

(North Cotabato/ April 6, 2015) ---Pinabulagta ng riding tandem assassins ang isang karpintero habang nakaligtas naman ang kasama nito sa nasabing pamamaril sa Purok Azucena-A, Brgy. Pob. Matalam, Cotabato ala 6:35 ng gabi kasagsagan ng paggunita ng Huwebes Santo.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na Eric Tayag, 41 anyos, may asawa, isang karpintero, habang kinilala naman ang isang nasugatan na isang Aldrin Montaño, 35 anyos, may asawa, isang laborer at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Wanted sa batas, arestado sa kasagsagan ng Semana Santa sa bayan ng Magpet, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Sa kulungan na nagdaos ng semana santa ang isang wated na lalaki matapos itong mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Kamada, sa bayan ng Magpet Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PI Felix Fornan, hepe ng Magpaet PNP ang suspek na isang Michael Castor, may asawa at residente ng Brgy. Basak sa nasabing bayan.

Panibagong sunog naitala sa Kabacan!

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Panibagong sunog ang naitala sa bayan ng Kabacan partikular sa Purok 2, baranggay Osias, Kabacan, Cotabato kung saan nasunog ang isang bakanteng lote na nagsisilbing junkshop ng mga plastic.

Pasado ala una ng hapon ng makatanggap ng alarm report ang Kabacan BFP mula sa PNP Osias base sa pangunguna ni PI Rommel Hitalia na nasusunog ang isang junkshop na pagmamay ari ni Arnelito Nitura, ULS-USM Professor.

Pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan naging mapayapa ---Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan.

Ito ay ayon kay PSI Ronie Cordero OIC chief of police ng Kabacan PNP.

Mindanao wide na black-out, hindi pa maipaliwanag ng NGCP

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang dahilan ng malawakang brownout sa buong isla ng Mindanao kahapon ng madaling araw.

Batay sa text message na ipinadala sa DXVL ni NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Bambie Capulong na nagsimula ang power interruption ala 1:00 ng madaling araw kasagsagan ng pagsalubong ng linggo ng pagkabuhay.

2 katao, arestado makaraang makuhanan ng illegal na droga sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa kataong nahulihan ng illegal na droga sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, Cotabato pasado alas 10:00 ng gabi nitong Biyernes Santo.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang mga naaresto na sina Michael Boliver, 39-anyos residente ng Purok Anthurium, Poblacion at Loreto Reyes, 28-anyos, residente ng Brgy. Dalapitan kapwa buhat sa bayan ng Matalam.