By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 7,
2015) ---Sa kulungan na nagdaos ng semana santa ang isang wated na lalaki
matapos itong mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Kamada, sa bayan ng Magpet
Cotabato kamakalawa.
Kinilala ni PI Felix Fornan, hepe ng
Magpaet PNP ang suspek na isang Michael Castor, may asawa at residente ng Brgy.
Basak sa nasabing bayan.
Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant
of arrest na inisyu ni Hon. Judge Alexander Betoya ng Regional Trial Court
Branch 23 sa Kidapawan City sa kasong Murder.
Sa ngayon ay kasalukuyang nakapiit
ang suspek sa Magpet MPS habang nahaharap naman sa salang pagpatay.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento