Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-Cafgu at Magsasaka, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Patong patong na kaso ang kakaharapin ng dalawang kalalakihan matapos itong mahuli sa isinagawang checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Traffic Management Unit, Barangay Peace Action Team at Kabacan PNP sa Brgy. Osias, Kabacan Cotabato alas 8:15 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina James Villanueva, 45 anyos, may asawa, dating miyembro ng CAFGU at isang Rolly Dalisay, 42 anyos, may asawa, isang magsasaka na pawang mga residente ng Brgy. New Antique sa bayan ng Mlang, North Cotabato.


Batay sa report, lulan ng motorsiklo ang mga suspek ng mahuli sa isinagawang checkpoint ng PNP sa bahagi ng Brgy. Osias.

Una ng naispatan ang mga ito mula sa Purok Saranay na may salikbit na baril dahilan para ikasa ng PNP ang oplan Kapkap Bakal.

Nakuha mula sa posisyon ni Villanueva ang isang kalibre .45 na baril at mga bala bukod pa, sa illegal na droga.

Narekober din kay Dalisay ang isa pang kalibre .45 na baril.

Nang hanapan ng kaukulang papeles ang mga ito, bigong makapag-presinta ang mga suspek bagay namang inaresto ang mga ito.

Sa ngayon nahaharapa sa kasong paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9165. O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento