Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kapintero, itinumba!

By: Mark Anthony Pispis

(North Cotabato/ April 6, 2015) ---Pinabulagta ng riding tandem assassins ang isang karpintero habang nakaligtas naman ang kasama nito sa nasabing pamamaril sa Purok Azucena-A, Brgy. Pob. Matalam, Cotabato ala 6:35 ng gabi kasagsagan ng paggunita ng Huwebes Santo.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na Eric Tayag, 41 anyos, may asawa, isang karpintero, habang kinilala naman ang isang nasugatan na isang Aldrin Montaño, 35 anyos, may asawa, isang laborer at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, na nag-iinuman lamang ang biktima kasama ang 3 iba pa nang bigla na lamang sumulpot ang riding tamdem sakay sa isang XRM motorcycle, kulay pula, walang plaka at pinagbabaril ng malapitan ang biktima.

Nagtamo ng 2 tama ng mga bala sa kili-kili si Tayag na nagresulta sa agaran nitong kamatayan habang sugatan naman ang kasabay nito sa inuman na si Montaño matapos itong matamaan ng stray bullets.

Agad tumakas ang mga suspek gamit ang direksyon papuntang Kidapawan City.

Narekober sa crime scene ang 3 basyo ng kalibre 45 na pistol na siyang pinaniniwalaang uri ng baril na ginamit ng mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento