Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan naging mapayapa ---Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan.

Ito ay ayon kay PSI Ronie Cordero OIC chief of police ng Kabacan PNP.


Wala umanong naitalang krimen sa buong selebrasyon ng Semana Santa.

Ito ay dahil na rin sa mas pina igting na security measures na pinatupad ng Kabacan PNP at sa paglulunsad ng Oplan SUMVAC summer vacation.

Mas dinagdagan din umano ang pwersa ng kapulisan sa simbahan at sa matataong lugar simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.


Nagbigay din sila ng serbisyo sa pamamagitan ng paglalagay ng motorists assistance center at police assistance center sa mga matataong lugar at para sa bumabyahe sa panahon ng Semana Santa. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento