Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED na inilagay sa bus, nasilat!

(Isulan, Sultan Kudarat/ April 10, 2015) ---Napigilan ng mga otoridad na sumabog ang isang improvised explosive device (IED) na natagpuan sa loob ng isang unit ng Yellow Bus Line Inc. na may body # 9208 pasado alas 10:00 kahapon ng umaga

Napag-alaman mula kay Police Supt. Junie Buenacosa, hepe ng Tacurong City Police Station, na may impormasyon itong nakuha na may pasasabuging bomba sa kanyang aor.


Agad na inalerto ng opisyal ang kanyang mga tauhan kungsaan kanilang hinigpitan ang seguridad kasama na ang isinagawang mga check point sa lugar.

Nabatid na naging positibo sa bomba ang nabanggit na bus na nagmula sa public terminal ng Tacurong patungo sana sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Matapos ang masusing pagsisisyasat, sinabi ng opisyal na posibleng pananakot lamang ang motibo ng naglagay ng bomba sa isang unit ng yellow bus line sa Isulan kahapon ng umaga.

Ito ang kanyang inihayag kung saan batay anya na rin ito sa mga narekober nilang bomba na dalawang 60 mm mortar at isang IED projectile.

Ayon sa opisyal,may mga cord umano ang naturang pampasabog ngunit walang triggering device kaya malaki ang paniniwala nito na posibleng pananakot sa management ng naturang bus line. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento