(Tulunan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Sugatan
ang isang magsasaka makaraang tamaan ng bala sa muling pagsiklab ng engkwentro
sa hanggan ng Tulunan, North Cotabato at Colombio, Sultan Kudarat kamakalawa.
Sa panayam ng DXVL News kay PSI Rolando
Dillera, hepe ng Tulunan PNP kinilala nito ang biktima sa panaglang Unyok
Tadyaki na tinamaan sa likod na isinugod sa Davao Medical Center.
Sinabi ng opisyal na nangyari ang insidente
nitong Sabado dakong alas 9:00 ng umaga sa pagitan ng mga magsasakang taga
Sitio Malipayon, Barangay Maybula at ng mga claimants naman na mula sa bayan ng
Colombio.
Dagdag pa ni Dillera na nagsimula ang
tensyon nang pinaulanan umano ng bala ng mga armado ang mga magsasakang nag
aani ng mais sa Tulunan area.
Ang panibagong engkwentro ay naganap sa
kabila ng pagtatag sa Task Force Barko-barko na siyang tumututok sa kaayusan sa
lugar at pumapagitna sa mga dayalogo sa pagitan ng mga farmer leaders at mga
opisyal ng dalawang lokal na pamahalaan.
Bagama’t humupa na ang tensiyon sa lugar,
may ilan namang mga pamilya na nagsilikas dahil sa takot na maipit sa nasabing
kaguluhan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento