Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Poblacion, Kabacan; muling nagpaliwanag sa pagkakaputol ng serbisyo ng mga Street Lights

(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Muling nagpaliwanag kahapon si Barangay Poblacion Kapitan Dominador “Mike” Remulta sa pagkakatanggal ng mga street lights sa ilang mga kalye ng Poblacion, Kabacan.

Ito matapos ang samu’t saring reklamo ng ilang mga residente ng Poblacion na madilim na sa mga kalye tuwing gabi matapos na tinanggal ng Cotelco ang mga street lights.

Ayon kay Kapitan Remulta sa panayam ng DXVL News na umaabot na kasi sa mahigit kalahating Milyun ang utang ng Barangay Poblacion na hindi pa nabayaran sa Cotelco simula 2013.

Sinabi ng Punong Barangay na ang nasabing utang ay kanyang minana sa dating administrasyon pero sa kanyang pamumuno ngayon wala namang utang ang Barangay sa Cotelco.

Sa ngayon, hindi pa ma-aaksiyunan ito ng barangay dahil walang mapagkukunan ng pondo ang Barangay Poblacion sa malaking halaga na utang nito sa Cotelco na umaabot ng P668,000.00.

Inatasan na rin ni Kapitan Remulta si Poblacion Kagawad Edna “Nanay” Macaya na magpasaklolo sa LGU upang mabigyan ng pondo at maibalik ang serbisyo ng street lights sa Poblacion.


Dahil kapag hindi ito agad na maaksiyunan, posibleng sa huling qurter pa ng taong ito maibalik ang serbisyo ng street lights sa Pobalcion, Kabacan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento