(Kabacan, North Cotabato/ April 7,
2015) ---Nakatakdang magbibigay na opisyal ng pahayag ang National Grid
Corporation of the Philippines o NGCP ngayong araw hinggil sa kanilang
paliwanag sa nangyaring total block-out noong nakaraang linggo ng madaling
araw.
Ayon kay COTELCO Spokesperson Vincent
Baguio sa panayam ng DXVL News, hindi umano sila makakapagbigay ng sagot sa
isyu dahil tanging ang NGCP lamang ang makakapagbigay ng opisyal na pahayag.
Anya napalaking impact umano ang
nangyaring total Bolck out- sa buong isla ng Mindanao at normal umano ang ginawang hakbang ng DOE sa
pagpapaimbestiga sa nasabing pangyayari dahil isa umano sila sa concerned
agencies kasama na rin ang National Electrification and Administration.
Nangako naman ang opisyal na agad
ipapaalam nito kung sakali mang makakatanggap sila ng pahayag mula sa NGCP.
Samantala, muli namang ipinahayag ni
Baguio na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maibigay ang kalidad na
serbisyo sa lahat ng kanilang member consumers at upang magkaroon ng pang
matagalang solusyon ang nararasang kakulangan ng suplay ng kuryinte sa kanilang
nasasakupan. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento