(Midsayap, North Cotabato/ April 8, 2015)
---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang tanggapan ng National
Irrigation Administration Regional Office sa Villarica, Midsayap, North
Cotabato alas 5:00 ng madaling araw kanina.
Sa report na ipinadala ni Supt. Reinante
delos Santos ng Midsayap PNP wala namang may naiulat na nasaktan sa nasabing
insidente.
Naganap ang pagpapasabog isang araw bago
ipagdiwang ang ika-37 anibersaryo ng Natioanal Irrigation Administarion o NIA
sa Midsayap, North Cotabato.
Nabatid na dalawang bomba ang inilagay sa
loob ng compound, ang isa dito ang sumabog at isa naman ay natagpuan sa harap
mismo ng opisina ng Comision on Audit.
Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng
mga otoridad ang insidente. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento