(USM, Kabacan, North Cotabato/ April
7, 2015) ---Naging matagumpay ang isinagawang test fire sa Biogas Facility sa
University of Southern Mindanao Philippine Carabao Center USM-PCC kahapon.
Ayon kay USM PCC Director Benjamin
Basilio sa panayam ng DXVL News, malaking tulong umano ang 10 Cubic meter na
biogas digester na kung saan ay makakatulong ito upang ma-convert sa methane gas
ang mga element na mula sa dumi ng kalabaw na kung saan ay magagamit din nila
sa pag-proseso ng kanilang mga produkto galing sa gatas ng kalabaw.
Anya, bukod sa malaking tulong ang
makukuhang methane gas mula sa dumi ng kalabaw ay makakatulong din ang nasabing
bio-gas facility sa pagprotekta sa ating ozone layer sapagkat hindi na
maglalabas pa ng Carbon Dioxide ang nasabing dumi at kapag nakuha na mula dito
ang methane gas ay maari namang gamiting pataba sa mga damu ang naiwang
residue.
Dagdag pa ng opisyal na katuwang nila
sa nasabing proyekto Department of Energy Mindanao, LGU Kabacan sa pangunguna ni
Mayor Herlo Guzman Jr. USM Affiliated Renewable Energy Center na
pinangungunahan naman ni Engr. Arnulfo Ocreto.
Samantala, inihayag din ng opisyal na
ang USM PCC ay mamahagi ng 21 Italian Buffalo na unang uri ng kalabaw na
maipapamahagi sa Mindanao na ipapamahagi naman sa Davao del Norte ngayong
buwan.
Ang USM PCC ay nagbebenta ng mga
produktong mula sa gatas ng Kalabaw kagaya ng Ice Cream na may ibat ibat
flavors, Choco Milk, Lacto Juice na nasa sachet, Bottled Choco at Bottled Fresh
Milk at marami pang iba. Mark Anthony
Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento