(Pikit, North Cotabato/ April 7, 2015)
---Patuloy na pinaghahanap sa batas ngayon ang isang 26-anyos na lalaki matapos
niyang mapatay ang kanyang ama sa Takepan, Pikit, North Cotabato.
Sa ulat ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita
ng Cotabato Police Provincial Office sa panayam ng DXVL News kinilala ang suspek
na si Richard Mancera matapos umanong barilin ang kaniyang ama na umano'y
lasing at sabog sa ilegal na droga.
Nangyari ang insidente sa kanilang bahay sa
Barangay Takepan.
Ang mga kapitbahay ng mga Mancera ang
tumawag sa mga awtoridad matapos marinig ang pagputok ng mga baril.
Isang motorsiklo ang ginamit na panakas ng
nakababatang Mancera. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento