Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka at isa pang lalaki, kalaboso ng makuhanan ng illegal na droga

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Kalaboso ngayon at naghihimas ng malamig na bakal ang isang lalaki matapos itong mahulihang nagdadala ng ipinagbabawal na gamot sa Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PSI Ronie Cordero ng hepe ng Kabacan PNP na isang Tony Tejada, 42 anyos, may asawa, magsasaka at resident eng Purok Masagana sa nasabing barangay.

Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.


Samantala kalaboso rin ang isa pang lalaki matapos itong maaktuhang nagdadala rin ng ipinagbabawal na druga sa Tomas Claudio St. Brgy. Poblacion, ditto sa bayan dakong alas 6:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PSI Ronie Cordero hepe ng Kabacan PNP ang suspek na isang Nick Guiamalodin, 29 anyos, binata, unemployed at resident eng Plang Village 2 sa nasabing barangay.

Ayon sa report, kahinahinala umano ang ipinapakitang kilos ng suspek at nang nakita ito ng nagrorondang mga pulis ay nilapitan ito.

Nang malapitan ay nataranta umano ito at tinanggal nito ang sombrero nito at aksidenteng nahulog mula sa sombrero nito ang isang maliit na sachet ng pinaniniwalaang Shabu.

Sa ngayon, kapwa nakapiit sa Kabacan PNP lock-up Cell ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 na isasampa sa mga ito.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento