(North Cotabato/ April 8, 2015) ---Kamatayan
ang sumalubong sa isang tatlong taong gulang na batang lalake ng malunod ito sa
ilog malapit sa Federville Subdivision Rosary heights 11, Cotabato City dakong
alas-11 ng umaga kamakawala.
Sinabi ni RH 11 Brgy. Chairperson Mustapha
Esmael, base sa ina ng biktima na si hajim Abdulbasit nakita itong naglalaro sa
isang sikad-sikad pasado alas-8 ng umaga.
Nang dumausdos ang sikad sa ilog ay nasama
rito ang bata.
Ayon kay Esmael, may nakakita sa pagkamatay
ng bata ngunit nasa kabilang bahagi ng ilog kung kaya't bigong masalba agad ang
batang lalake.
Nabatid na nagbabantay ang ina ng biktima sa
kanyang mas nakababatang anak na may sakit ng mangyari ang insidente.
Matapos sinisid at marekober ng mga
residente ang katawan ng tatlong taong gulang na bata na may lalim na mahigit
limampung metro ay binigyan naman ng tulong ng barangay ang pamilya ng biktima.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento