Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2,491 na mga estudyante magsisipagtapos sa USM Main Campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2015) ---Kasalukuyang ginaganap ang Baccalaureate Program at Cluster Graduation sa University of Southern Mindanao main campus.

Abot sa 2491 ang bilang ng mga estudyante na magsisipagtapos ngayong 69th Commencement Exercises kabilang na ang magsisipagtapos ng Masteral degree at Doctoral degree.


Nahahati sa tatlo ang cluster graduation. Cluster 1 na kinabibilangan ng CAS, CED, CHS at IMEAS. Cluster 2 DIT, CHEFS, CENCOM at GS. Ang Cluster 3 naman ay kinabibilangan ng CA at CBDEM na gaganapin mamayang ala una ng hapon ang baccalaureate program at cluster graduation sa USM Gymnasium.

Gaganapin naman sa April 11, araw ng Sabado ang 69th General Commencement Exercises sa USM Parade Ground (DD Clemente).

Samantala, ginawang parking area ng mga motorsiklo ang harap ng amphi theater at nasa bandang University Laboratory School o ULS naman ang parking area ng mga four wheel vehicle para sa mas organisadong sistema ng mga may sasakyang magsisipagdalo sa pagtatapos. Mark Anthony Pispis





0 comments:

Mag-post ng isang Komento