Written by: Brex Bryan Nicolas
Nag-ooperate na ang Cotabato Provincial Library ngayon, gamit ang modernong sistema sa library operation.
Kung dati rati ay manuhan ang paghahanap ng libro, ngayon ang nabanggit na silid aklatan ay gumagamit na ng computerized set-up, ito ay ang Online Public Access Catalogue (OPAC) system, barcode scanner at ang e-brary station.
Sa Online Public Access Catalogue (OPAC) system, mas pinabilis ang paghahanap ng mga gustuhing libro.
Ang Barcode scanner at labels naman ay ginagamit para sa seguridad ng mga libro, upang mas mapabilis ang pag-iinventory ng mga ito.
Samantalang ang E-brary station naman na may apat na computer ay magagamit sa online browsing, ito rin ay magagamit upang tingnan ang ilang mga dokumento sa National Library of the Philippines at iba pang mga provincial library dito sa Pilipinas.
May mga bagong study carrels at bookshelves din ang bagong pintang library, at mga bagong biling libro.
Nasa plano din ngayon ng provincial government na magpatayo ng hiwalay na gusali para sa provincial library at museum.
Ang Library Automation project na ito ay ipinatupad ni Gov. Emmylou “lala” Talino-Mendoza, at may layuning makasabay sa makabagong teknolohiya sa larangan ng impormasyon at upang matupad ang misyong mapalawig ang kalidad ng serbisyo sa mga mambabasa.
Matatagpuan ang Cotabato Provincial Library sa ikatlong palapag ng Rosario P. Diaz Capitol Building, Provincial Capitol Compound, Amas, Kidapawan City