(Matalam, North Cotabato/February 8, 2012) ----Kasong sibil ang isinampa ngayon ng Sumifru Corporation sa dalawa mula sa mahigit 30 mga landowners na nagsagawa ng road blockade sa bayan ng Matalam, North Cotabato.
Ito ang sinabi ng administrator ng Sumifro-North Cotabato na si Eric Tubo matapos na humingi din ng danyos ang Sumifru sa mga landowner.
Ayon sa report, nabatid na sa buong North Cotabato, abot sa 3,200 na mga contractual workers ang sini-suwelduhan ng Sumifru.
Kaya ayon kay Tubo, malaki’ng perhuwisyo ang idinulot ng naging protest move ng mga landowners, hindi lamang sa kanilang korporasyon, kundi maging sa kanilang mga trabahante.
Pinigilan umano ng mga land owners ang mga trabahante ng Sumifro na makapasok sa plantasyon kaya’t wala raw silang maiuuwing sahod sa kanilang pamilya dahil “No work, no pay” ang mga ito.
Sa kabilang ng kasong isinampa ng pamunuan ng sumifro ay, pursigido ang mga land ownwers na ituloy ang road blockade.
Sa ganito’ng paraan pipigilan nila ang Sumifru anihin ang mga produkto’ng saging na nasa mga lupa’ng pag-aari nila. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento