Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Animal Health Day; isasagawa ngayong araw sa isang bayan ng Kabacan

Written by: Anthony Hemilo

Ipagdiriwang ngayong araw February 8, 2012 ang Animal Health Day sa Baranggay Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Kaugnay ng programang ito magkakaroon ng Large Animal Vaccination, Deworming at Administration Of Vitamin Supplements Para sa mga alagang Hayop na mga residente ng nabanggit na Baranggay.

Ito ay pangungunahan ng mga taga Municipal Agriculturist Office ng bayan ng Kabacan, sa pakikipag-ugnayan ng College of Veterinary Medicine ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Philippine Carabao Center (PCC) at sa tulong na din ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) ng North Cotabato.

Kasabay ng proramang ito, magkakaroon din ng Area Validation ang mga taga Municipal Agriculturist ng Kabacan para sa programa ni North Cotabato Governor Emmy Lou “LALA” Taliño Mendoza na Plant Now Pay Later (PNPL) Para sa mga magsasakang gustong mag-tanim ng Oil Palm ngunit wala namang sapat na puhonan.

Ang area validation sa araw na ito, ay gaganapin sa baranggay Pedtad at bukas naman February 9, 2012 ay sa baranggay Simone.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento