Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Anak ng alkalde at 2 iba pa na kasamahan naaksidente sa Datu Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Mguindanao/February 9, 2012) ---Tatlong mga estudyante ang naaksidente alas 7:00 kagabi  sa kahabaan ng National Highway sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao partikular sa brgy. Tunggol ng nasabing bayan.

Ayon sa report, binabaybay umano ng sinasakyang pick-up ng mga biktima na may plate # LMF-948 ang kahabaan ng naturang kalsada ng bigla na lamang umano itong lumiko at tuluyang nahulog sa basakang bahagi ng lugar.

Kabilang sa mga naaksidente ang anak ni Pikit Mayor Sumulong sultan.

Kinilala ang  mga biktima na sina Tony Jay Macanas, Jean apostol at Sittie Jaren Sultan na siya namang kasalukuyang SK chairman ng Poblacion, Pikit.

Bagama’t pawang galos lamang ang tinamu ng mga biktima, mabilis din namang itinakbo ang mga ito sa isang pagamutan dito sa bayan ng Kabacan.

Napag-alaman pa sa report na ang naturang lugar sa tunggol ay tinaguriangaccident pronbe area kaya pinayuhan ang mga motorista na mag-ingat pagdating sa nasabing lugar.

 Napag-alaman na papuwi na ng Pikit mula sa bayan ng Kabacan ang mga ito ng maaksidente sa daan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento