Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Babae ginayuma sa North Cotabato?

(Kabacan, North Cotabato/February 10, 2012) ---Ginayuma umano ng isang matandang driver na may taglay na ‘anting-anting’ ang labing-siyam na taong gulang na mag-aaral sa isang eskwelahan dito sa bayan ng Kabacan.
Ito ay ayon sa isang albularyo na gumamot kay Melissa, di niya tunay na pangalan at tubong M’lang, N Cotabato.

Kwento ng isang testigo, madalas daw sumakay ang dalaga sa may front seat ng passenger multi-cab ng matandang driver kapag bumibyahe ito mula bayan ng M’lang patungo ng Kabacan.

Sa isang source na nakuha ng DXVL Radyo ng Bayan napag-alaman na pinahiran ng anting-anting ng matanda ang dalaga kaya raw halos dumidikit na sa kanya ang babae. Kaya naman sa halip sa eskwelahan pumupunta ang dalaga, sa tinitirhan ng driver sa Kidapawan City raw ito naglalagi.
            
No’ng di makauwi si Melissa, nataranta na ang mga magulang nito at hinanap siya.  Kaya nong Makita na siya agad pinagamot ang dalaga sa isang albularyo na taga-Davao City. At no’ng mahimasmasan ang dalaga, wala raw siya’ng maalala sa mga nangyari.
      
Pinagamot din siya sa isang ospital at nabatid mula sa mga eksperto na dumadaan sa matinding depresyon ang dalaga at hindi raw ito dala ng gayuma o anumang ‘anting-anting.’

At pag di raw ito maagapan ay baka bumagsak sa Alzheimer’s Disease ang kanyang sakit – isang sakit ng pagkalimot.  Sa ngayon ay balik-ekswela na ang bata at todo-bantay na siya ng kanyang mga kaanak at mga kaibigan para di na uli maligaw o mawala sa sarili. 

Samantala, hanggang ngayong tanghali na lamang ang deadline ng mga entries para sa inyung mga sulat sa programang love notes with oliver twist valentine’s day edition year 4. Ang sinumang mananalong sulat kasaysayan sa pag-ibig ay iaanunsiyo sa araw mismo ng mga Puso sa February 14.  (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento