Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Peace Keeping detachment sa isang brgy sa Kabacan; pinaputukan

Written by: Anthony Henilo

(Kabacan, North Cotabato/February 8, 2012) ---Nag-dulot ngayon ng takot sa ilang mga residente ng Baranggay Cuyapon at Lower Paatan, Kabacan, Cotabato ang insedenteng pag-papaputok ng baril malapit sa Peace Keeping Detachment na matatagpuan sa Boundary ng mga nabanggit na barangay, kamakalawa ng hapon.

Dahil dito, inireport na ito kahapon ng mga opisyal ng brgy ng Cuyapon na si Kapitan Ernesto Bigsang at Baranggay Captain Tony Maganaka ng Lower Paatan.

Anila, Nagpaputok umano ng baril ang isang nakilalang Lumanda Demacaling, nasa tamang edad at residente ng Purok Dema, Lower Paatan gamit ang kanyang 30-caliber Garand riffle na bagay namang pinaalerto ng mga opisyal ang nasabing detachment.

Hindi pag-kakaunawaan umano sa pagitan ng isang Muslim elder at ni Demacaling ang dahilan kung bakit ito nagpaputok.

Awayan sa lupa naman ang posibleng motibo sa naturang pag-papaputok, ayon sa Kabacan PNP.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento