Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sasakyan sa Kidapawan City, lumiyab!

(Kidapawan City/ August 17, 2013) ---Nagdulot ng pagkabahala sa ilangmga residente ang pagliyab ng isang sasakyan sa harap ng isang department store sa Quezon Boulevard, Kidapawan City ala 1:00 kanina.

Mismong kawani ng USM-Kabacan Main campus ang nagreport sa DXVL sa nangyari na mabilis rin niyang ipinarating sa kinauukulan.

61-anyos, ikinasal sa Kasalang Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) --- Kabilang ang 61 at 49-anyos na magpares ang ikinasal kahapon sa Kasalan ng Bayan ng Kabacan bilang bahagi ng aktibidad ng 66th Founding Anniversary ng Kabacan, North Cotabato.

Sina Salvador O. Barnizo at Evangeline P. Estilloso na tubong Barangay Tamped ay isa sa 107 na pares na nakakuha ng kanilang marriage contract. 

150 packs ng fingerlings, ipinamahagi sa mga magsasaka sa DA day

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Abot sa 150 packs ng tilapia fingerlings ang ipinamahagi sa mga magsasaka ng Kabacan sa DA Day ngayong araw bilang bahagi ng programa ng 66th Founding Anniversary ng Kabacan.   

Nanguna sa nasabing dispersal si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr., Councilor Jonathan Tabara, may hawak ng committee on agriculture at ilan pang mga opisyal kasama ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office.

Tulak droga na Lolo swak sa kulungan

(Cotabato City/ August 16, 2013) ---Kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang isang lolo makaraang maaresto sa buy bust operation ng mga otoridad sa Don Tv Juliano Avenue, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Agal Macalaping Bandong, 74-anyos na residente ng nasabing lugar.

Panukalang gawing One-way ang USM Avenue, pinaplantsa na ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Para maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko lalo na kapag rush hour, inirekomenda ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na gawing One way ang USM Avenue.

Batay sa executive order No. 2013-08 na inilabas ng Alkalde, gagawing one way papasok ang USM Avenue buhat sa National Highway papunta ng University of Southern Mindanao.

Kampanya kontra illegal drugs at Loose Firearms, pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Arestado ang isang tulak droga makaraang mahuli ng mga elemento ng Kabacan PNP sa kanilang pinaigting na kampanya kontra illegal drugs at loose firearms sa bayan ng Kabacan alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Amiludin Pino Dalumangkob, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Laypag, Pagalungan, Maguindanao.

Barangay Day, isasagawa ngayong umaga!

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Itatampok ngayong umaga bilang isa sa mga aktibidad ng 66th Founding Anniversary ng Kabacan ang Barangay Day.

Pangungunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang nasabing aktibidad kungsaan lalahukan ito ng mga opisyal mula sa 24 na barangay ng bayan.

Mayor Guzman, nakipagpulong sa mga opisyal ng Malakanyang hinggil sa mga nangyayaring kaguluhan sa bayan

(Cotabato city/ August 16, 2013) ---Ipinasiguro ng mga chief executives ng Mindanao sa mga matataas na opisyal ng Malakanyang ang pagpatupad ng mahigpit na seguridad sa kani-kanilang lugar matapos ang serye ng pamomomba sa ilang lugar sa rehiyon.

Kabilang sa nakipagpulong si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. kungsaan hiniling nito na padagdagan ang pwersa ng kapulisan sa Kabacan kasabay na rin ng pagdiriwang ngayong linggo ng kapiestahan sa bayan.

COTELCO- PPALMA magsasagawa ng special general assembly

(Midsayap, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Gaganapin ngayong a-24 ng Agosto ang isang special general membership assembly ng mga konsumidores ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO- PPALMA.

Nabatid na isasagawa ang pagpupulong sa Midsayap Municipal Gymnasium sa ganap na ala- una ng hapon.

Ex-SK Official, arestado matapos masangkot sa malaking sindikato sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Kalabuso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang dating Sangguniang Kabataan Chairman matapos na maaresto sa may bahagi ng brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato nitong umaga ng Miyerkules.

Kinilala ni PSI Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang suspek na si Bertzon de Vera Daquioag, 21, at residente ng Barangay Dagupan ng nabanggit na bayan.

BIFF umatake sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 15, 2013) ---Inatake ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kampo ng Moro National Liberation Front o MNLF sa Barangay Kidama, Matalam, North Cotabato kahapon.

Ayon sa tagapagsalita ng 602nd Infantry Brigade Captain Antonio Bulao, hepe ng civil military operations sinunog ng mga BIFF na may kaugnayan sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang bahay ng ilang kasapi ng MNLF na nagmitsa sa muling sagupaan sa lugar.

P200K Reward Money sa Kabacan Blast!

(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013) --- Handang magbigay ng P200,000.00 bilang pabuya ni Mayor Herlo Guzman Jr., para sa agarang ikaaresto ng mga suspek sa nangyaring serye ng pagsabog sa bayan nitong nakaraang mga araw.

Ayon sa alkalde, maliban sa pabuya, nakahanda rin umano silang magbigay ng proteksyon sa sinumang informant na makakatulong sa ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

Mahigit 200 sumali sa isinagawang Job’s Fair ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013) ---Abot sa mahigit sa 200 mga indibidwal na naghahanap ng trabaho ang sumali sa Jobs fair at employment caravan na isinagawa ng LGU Kabacan sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment sa Municipal gym kahapon.

Sinabi ni Public Employment and Services Office designate Jeorge Graza limang Overseas recruitment agency at isang local agency ang dumating sa nasabing Job’s Fair kahapon.

200K Pabuya ni Mayor Herlo Guzman Jr., sa makapagturo sa mga responsable sa pambobomba sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013) ---Nakahandang magbigay si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa simumang makapagturo sa mga responsable sa mga pambobomba sa bayan ng Kabacan.
Ginawa ng opisyal ang nasabing hakbang matapos ang pagkakarekober na naman ng panibagong pampasabog na isang granada na 40mm sa bahagi ng Purok Krislam, Kabacan, Cotabato alas 6:10 kahapon ng umaga. 

Kongresista isinusulong ang batas na bubuo sa Philippine Palm Oil Research and Development Center


(Midsayap, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Isinusulong ngayon sa kamara de representante ang panukalang batas na bubuo sa Philippine Palm Oil Research and Development Center o PPRDC.

Inakda ito ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus N. Sacdalan.

70-anyos na Lolo, patay sa pamamaril sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Patay ang isang 70-anyos na lolo makaraang pagbabarilin ng 23-anyos na lalaki sa Purok Marang, Saguing, Makilala, North Cotabato, kahapon.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Manuel Gamao habang kinilala naman ang suspek na si Gerry Pequit.

Rep. Sacdalan isinusulong ang port development project sa unang distrito ng North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Naisumite na ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan ang kahilingan nito sa Department of Transportation and Communications o DOTC na mapatayuan ng municipal ports ang tatlong bayan sa unang distrito.

Nakasaad sa plano na itatayo ang sampung municipal ports iba’t- ibang barangay sa mga bayan ng Pikit, Midsayap at Pigcawayan partikular sa bahagi ng Liguasan marsh at Rio Grande de Mindanao.

Kampo ng militar, inatake ng BIFF

(Midsayap, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Inatake na naman ng mga pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF ang military detachment sa Barangay Kadigasan, Midsayap, North Cotabato alas 10 ng gabi kamakalawa.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Col. Dickson Hermoso, na hinarass ng mga BIFF ang army detachment ng 40th Infantry Battalion ng militar.

40 katao nalason sa gas leak sa President Roxas, North Cotabato

(President Roxas, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Umaabot sa 40-katao ang isinugod sa pagamutan makaraang makalanghap ng nakalalasong kemikal mula sa sumingaw na gas sa magkahiwalay na insidente ng geothermal project at water reservoir sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga naratay ay sampung kawani ng Mindanao Geothermal Project ng Energy Development Corporation.

6 na truck, sinunog ng mga rebeldeng grupo NPA sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Anim na mga malalaking truck 3 dito pagmamay-ari ng SUMIFRO ang sinunog ng mga rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Sr. Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam municipal police abot sa 15 mga NPA ang pumasok sa hub facility ng Sumifru Corporation na makikita sa Barngay Bangbang, dinisarmahan nila ang mga security guards at pwersahang kinuha angmga handheld radio.

Flash Report! Granada, narekober sa Kabacan, NCot ngayong umaga lamang!

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Isang uri ng pampasabog ang narekober ngayong umaga lamang sa bahagi ng Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:10 ngayong umaga.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP isang handgrenade ang nakita habang nagpapatrol ang PNP at sundalo sa nasabing lugar.

Coordinating conference, isinasagawa bilang paghahanda sa pagsisimula ng Founding Anniversary ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Isinasagawa ngayong hapon ang Coordinating conference sa munisipyo bilang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa pagsisimula ng mga aktibidad sa ika-66 na taong pagakakatatag ng bayan ng Kabacan.

Sinabi ngayong umaga sa DXVL News ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na pinaplantsa na nila sa kasalukuyan ang binalangkas na security plan para sa buong linggong selebrasyon ng kapiestahan ng Kabacan.

Tree Growing Activity ng LGU Kabacan, isasagawa bukas

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Isasagawa bukas ang Tree Growing Activity bilang hudyat ng pagsisimula ng 66th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO.

Problema sa drainage sa isang brgy ng Kabacan, inirereklamo!

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Inireklamo ng ilang mga residente ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato ang diumano’y lumalalang drainage system sa nasabing lugar.

Ayon kay Javar Abdullah Aban, residente ng nabanggit na lugar ay nababahala na umano sila sapagkat dumaranas ng maputik na kapaligiran at lubak-lubak na daan bunsod ng pagku-quarry sa Pulangi river at canal na barado.

4.4 magnitude na lindol, yumanig sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang Carmen, North Cotabato pasado alas 12:00 ng madaling-araw kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang intensity 3 na lindol sa Carmen, North Cotabato.

Mag-amang Rubber tapper, itinumba!

(M’lang, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Bulagta ang mag-ama makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek sa Purok 3, Barangay Gaunan, M’lang, North Cotabato 9:45 ng umaga.

Kinilala ni P/Ins. Rolando Dillera, hepe ng M’lang PNP ang mga biktima na sina Felix Mudalo,57, at ang anak nito na si Kenneth Mudalo,14 kapwa residente ng San Vicente, Makilala, North Cotabato. 

Farm-to-Market Roads sa Distrito Uno ng North Cotabato, isasailalim sa survey

(Midsayap, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Nais ni Rep. Jesus N. Sacdalan na magsagawa ng survey ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa unang siyam na farm-to-market roads o FMR sa unang distrito ng North Cotabato.

Partikular nang isinumite ng kongreista ang kahilingan nito sa DPWH Cotabato Second Engineering District Office upang maisagawa na ng ahensya ang pagsisiyasat sa mismong mga kalsada.

Panibagong IED sumabog sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Muli na namang ginulantang ng malakas ng pagsabog angbayan ng Midsayap, North Cotabato ala 1:00 ng hapon kamakalawa.
Sa report ng Midsayap PNP isang Improvised Explosive Device o IED na gawa sa 60mm mortar cartridge ang pinasabog sa Sitio Bintad, Barangay Baliki ng nasabing bayan.

Kabacan, muling inilagay sa heightened alert matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Muling hinigpitan ngayon ang seguridad sa bayan ng Kabacan matapos ang sunod-sunod na pagpapasabog sa bayan.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP malaki ang paniniwala nito na munisipyo ang target ng grupo na pasabugan pero sumimplang umano ang projectile ng pagbaril ng mga suspek gamit ang grenade launcher.

Patrol Operation at Intel gathering, pinalalakas ng Kabacan PNP matapos ang sunod-sunod na pagpapasabog sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2013) ---Sinabi ngayon sa DXVL News ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na pinalalakas na nila ngayon ang patrol operation kahit gabi at ang intelligence gathering, para mabatid kung anung grupo ang nasa likod ng gumagawa ng kaguluhan sa bayan.

Aniya, patuloy pa rin ngayon ang kanilang intel gathering para matumbok nila ang mga responsible sa nasabing krimen.

Transaksiyon sa Comelec Kabacan, pansamantalang naantala matapos pasabugan ang nasabing opisina

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2013) ---Pansamantalang nahinto ang transaksiyon ngayong araw sa Comelec Kabacan matapos na tamaan ng bala ng 40MM grenade launcher ang nasabing opisina.

Batay sa intel report, posibleng iisang grupo lamang ang may gawa ng nasabing pagpapasabog dahil kaparehong bala ang ginamit ng mga suspek na kahalintulad sa narekober din sa bahay ni Eddie Antolin matapos na pasabugan din ang kanilang bahay noong Biyernes ng gabi.

Flash Report: Launcher grenade, muling sumabog sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2013) ----Patuloy ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kapulisan sa panibagong pagsabog na nangyari kaninang madaling araw.                                                                          

Batay sa nakalap na impormasyon ng DXVL News mula sa LGU Kabacan isang launcher grenade ang sumabog sa bubong ng Comelec Office ng Kabacan na nasa Municipal Compound alas 2:46 kaninang madaling araw.

Prof ng USM, finalist bilang agriculture Scientist ng Gawad Saka ng DA

(Kabacan, North Cotabato/ August 11, 2013) ---Finalist bilang agriculture scientist category si Dr. Cayetano Pomares ng University of Southern Mindanao mula dito sa bayan ng Kabacan, North Cotabato sa 2013 National Gawad Saka Search ng Department of Agriculture.

Kaugnay nito nominado naman ang 6 buhat sa Region 12 sa nasabing search.